Sumundot ng hirit si Henyo Master Joey De Leon sa “Eat Bulaga” co-host niyang si Ryzza Mae Dizon matapos kumasa ni Vic Sotto sa imbitasyong pagkikita nila ni Unkabogable Star Vice Ganda.
Umani ng matinding reaksiyon mula sa netizens ang palitan ng pagbati nina Vice at Vic noong Biyernes, Hulyo 3, sa kani-kanilang programa, dahilan para mabuo ang espekulasyong may nilulutong proyekto ang dalawa para sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).
KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, Vic Sotto nagbatian sa shows; MMFF collab na ba?
At sa latest episode nga ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Hulyo 4, binanggit muli ni Vice ang pangalan ni Vic.
“Bossing, kung may oras ka, bukas magkita tayo 4 pm sa Cubao… Kaya sa lahat ng Madlang People at mga Dabarkads, pumunta rin kayo ng Cubao. Tingnan natin kung anong mangyayari sa aming pagtatagpo,” saad ni Vice Ganda.
Sabi naman ni Vic sa latest episode ng “Eat Bulaga” nito ring Sabado, “3:59 nandoon na ako.”
Maki-Balita: 'Wakasan ng noontime war?' Vice Ganda, Vic Sotto kasado pagkikita sa Cubao!
Matapos ito, biglang baling si Joey kay Ryzza para magtanong.
“Si Ryzza,” anang Henyo Master, “kailan kayo mag-uusap ni Kim Chiu?”
Pero sa halip na sumagot, tumawa na lang si Ryzza at nag-hi.
Matatandaang binakbakan ng netizens si Kim matapos niyang hiritan ng anila’y tila below-the-belt na biro si Ryzza.
Maki-Balita: Kim Chiu, pinutakti matapos okrayin si Ryzza Mae!