July 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, Vic Sotto nagbatian sa shows; MMFF collab na ba?

Vice Ganda, Vic Sotto nagbatian sa shows; MMFF collab na ba?
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime, Eat Bulaga (YT)

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang posibilidad na magsanib-puwersa sa isang pelikula ang dalawang pinakamalalaking pangalan sa noontime television na sina Vic Sotto at Vice Ganda.

Umani ng matinding reaksiyon mula sa mga netizen ang palitan ng pagbati ng dalawa sa kani-kanilang programa, na lalo pang nagpasiklab sa usap-usapang posibleng pagsasama nila sa isang proyekto, partikular para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.

Nagsimula ang lahat nang batiin ni Vice si Vic sa ere ng noontime show na "It's Showtime" nitong Biyernes, Hulyo 3.

"Hi guys, may babatiin lang ako, yung idol ko. Hi, Bossing Vic!" ani Vice.

Hindi rin naman nagpahuli si Vic dahil agad niyang sinuklian ang pag-shoutout sa kaniya ni Meme Vice sa karibal na programa ng "Eat Bulaga."

Tsika at Intriga

Pagtambak ng basura sa lupain ng mga Ayta, pinaalingasaw ni Kara David!

"May bumati sa akin kanina eh. Babatiin ko rin siya. What's up, Vice! Mag-uusap tayo nang masinsinan," pahayag ni Vic.

Dagdag pa niya, "Basta ang masasabi ko lang sa'yo, mwah, mwah, tsup, tsup."

Dahil dito, lalong naging maugong ang espekulasyon ng mga netizen na may malaking proyekto umanong niluluto para sa dalawang komedyante.

"Kinikilabutan ako! Mangyayari na! Madlang People at Dabarkads!" komento ng isang netizen.

"Okay, wala nang away-away," saad naman ng isa.

Samantala, marami rin ang naniniwalang posibleng makabasag ng mga record sa takilya ang tambalan nina Vic at Vice sakaling matuloy ito.

"Eto na ang babasag sa billion gross!" sabi pa ng isang netizen.

Mas lalo pang lumakas ang haka-haka matapos kumalat online ang isang post—na kalaunan ay nabura—na nagsasabing magsasama umano ang dalawa sa isang pelikula.

Bagama't wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Vic at Vice o sa kanilang mga kampo, kapwa na nila naipahayag noon ang pagiging bukas sa posibilidad ng pagtutulungan.

Sa isang panayam noong 2024, sinabi ni Vic na handa siyang makatrabaho si Vice kung may tamang proyekto.

"It's not impossible. Siguro in the future try natin. Open ako. Wala akong pinipili," aniya noon.

Noong unang bahagi naman ng taon, nagbigay ng pahiwatig si Vice tungkol sa isang malaking kolaborasyon para sa kanyang susunod na MMFF entry.

"Nakailang meeting na kami. Bongga yung ka-collab ko this time. Isa siyang pasabog na collab," pahayag ni Vice sa panayam ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ayon pa sa kaniya, matagal na rin siyang gumagawa ng solo films kaya excited siyang makita ng publiko ang bago niyang makakasama sa pelikula.

Kapwa itinuturing sina Vic at Vice bilang dalawa sa pinakamalalaking box-office stars sa kasaysayan ng MMFF.

Noong MMFF 2025, kinilala si Vice bilang Best Actor para sa pelikulang "Call Me Mother," habang pinangunahan naman ni Vic ang fantasy epic na "The Kingdom," na nag-uwi ng mga parangal para sa Best Production Design at Best Visual Effects.

Matagal na ring nagkakagitgitan sa takilya ng MMFF sina Vice Ganda at Vic Sotto.

Mas lalong lumutang na patungkol sa MMFF ang anunsyo ng dalawa nang mag-post sa opisyal na Facebook page ang pamunuan ng MMFF na magkakaroon ng "Kickoff and Announcement of the First Batch of Official Film Entries sa Martes, Hulyo 7, na gaganapin sa East Wing Atrium, GH Mall, San Juan City, hosted by Jervi "KaladKaren" Li-Wrightson at Michael Sager.