July 15, 2026

Home BALITA National

Usec. Castro, tagilid sa total phone banning sa mga paaralan ng Alkalde sa Cebu!

Usec. Castro, tagilid sa total phone banning sa mga paaralan ng Alkalde sa Cebu!
Photo courtesy: RTVM, Mayor Gungun Gica

Hindi umano nakasisiguro si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro kung makatwiran ang ilalapat na parusa sa inutos ng isang alkalde sa Dumanjug, Cebu, na total ban ng paggamit ng mga mag-aaral ng cellphone sa mga paaralan. 

Matatandaan kasing ininusyo sa publiko ni Dumanjug, Cebu, Mayor Gungun Gica ang pag-uutos niya sa lahat ng mga school heads at district supervisors sa kanilang munisipalidad na ipatupad ang pagbabawal ng paggamit ng cellphone ng mga bata sa mga paaralan tuwing school hours. 

Aniya, magsisimula ang utos niyang ito ngayong Lunes, Hunyo 29, kung saan nakatakda raw na kumpiskahin ng paaralan ang dadalhing cellphone ng mga bata at ibabalik na lang ito sa pagtatapos ng taong-panuruan o school year. 

“There are no phones allowed in school. Starting Monday, if a student brings a phone, it will be confiscated and only returned at the end of the school year. If you do not wish to follow this policy, you have the option to transfer your children to another municipality,” anang alkalde. 

KAUGNAY NA BALITA: Bayan sa Cebu, ipinagbawal pagdadala ng cellphones ng mga estudyante!

National

Ridon sa defense sa pagbubukas ng tax records ni VP Sara: 'Kung takot... baka may tinatago!'

Sa naging tugon naman ni Castro sa isinagawa niyang press briefing nitong Lunes, Hunyo 29, 2026, sinabi niyang maganda naman daw ang layunin ng naturang panukala ni Gica para daw matutong magtuon ang mga bata sa kanilang pag-aaral. 

Ngunit giit ni Castro, hindi nga lang daw niya masasabi kung tama o makatwuran daw ang ibibigay na parusang pagbabalik ng mga makukumpiskang cellphone ng mga bata sa pagtatapos pa ng taong-panuruan. 

“Hindi ko lang po masasabi kung penalty ay nararapat, kung ito ba ay resonable. Dahil ang makakapag-implement naman po nito ay ang mga namumuno sa mga eskwelahan,” 

“Ang ating nabasa yata ay isosoli after the school year… Hindi ko alam kung tama po ba ‘yong penalty na ibibigay. Kung makatuwiran ba siya o resonable,” pagtatapos pa niya. 

Pagbabahagi ni Castro, inilapit na raw niya ang naturang usapin kay Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara ngunit hindi pa raw siya nakakatanggap ng sagot mula sa nabanggit. 

Diin naman ni Castro, umiiral na rin naman daw ang naturang patakaran na nagbabawal sa paggamit ng mga bata ng cellphone sa oras ng kanilang klase lalo na raw sa mga pampribadong paaralan sa bansa. 

Matatandaang ginulantang ang publiko ng mga magkakasunod na kaguluhang kinasangkutan ng mga mag-aaral at menor de edad sa loob ng paaralan nitong mga nagdaang linggo. 

Partikular sa naging pamamaril ng dalawang menor de edad na sina Rod, 15-anyos, at Nash, 14 anyos, sa kanilang paaralan sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, 2026, dahilan para masawi ang tatlong kapuwa nila mga mag-aaral. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga batang edad 16 pababa, 'di dapat magkaroon ng 'unsupervised socmed access’—PPS

KAUGNAY NA BALITA: 2 estudyanteng menor de edad, nahulihan ng baril, patalim sa loob ng eskwelahan sa Aparri