July 25, 2026

Home BALITA National

Paaralan sa Batangas City, balik-eskwela matapos ang shooting threat!

Paaralan sa Batangas City, balik-eskwela matapos ang shooting threat!
Photo courtesy: Pamunuang Panlungsod ng Batangas City

Muli nang itutuloy ng Batangas City Integrated High School (BCIHS) ang kanilang on-site classes sa kanilang paaralan matapos nilang magkansela ng klase ngayong Lunes, Hunyo 29, 2026, sanhi ng natanggap nilang banta ng pamamaril sa naturang paaralan. 

KAUGNAY NA BALITA: Klase ng paaralan sa Batangas City, naunsyami dahil sa banta ng pamamaril!

Ayon sa inilabas na pahayag ng Punongguro IV ng BCIHS na si Ma’am Aida Gutierrez nito ring Lunes, Hunyo 29, sinabi niyang nagsagawa na raw sila ng mga hakbang at protocol sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas City at mga awtoridad para muling masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, kaguruan, kawani, magulangin, at iba pang stakeholder ng naturang paaralan.  

Ani Gutierrez, tinitiyak daw ng kanilang pamunuan at ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas City sa publiko na muli nang ligtas ang kanilang paaralan. 

“Hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado at huwag mabahala. Patuloy na mahigpit na minomonitor ang sitwasyon, at magpapatupad pa ng karagdagang mga hakbang pangseguridad kung kinakailangan,” aniya. 

National

Sen. Ping 'happy' sa big win nina Sen. Kiko, Sen. Bam noong 2025 elections!

Photo courtesy: BCIHS. 

Saad ng punongguro, magbabalik daw ang regular nilang klase mula sa darating na Martes, Hunyo 30, maliban na lang kung magkaroon muli ng bagong anunsyo mula sa mga awtorisadong channel ng BCIHS. 

Panghihikayat ni Gutierrez, magtiwala raw ang publiko sa pamunuan ng kanilang paaralan, sa Pamunuang Panlungsod, at mga awtoridad at iwasan daw ng mga itong magpakasal ng mga hindi awtorisadong impormasyong magdudulot lang daw pangamba at pagkalito. 

Babala ni Gutierrez, maituturing daw na seryosong paglabag ang paglikha, pagpapadala, at pagbabahagi ng mga mensaheng naglalaman ng pagbabanta, partikular ng pamamaril, at maaari daw maharap sa disiplinaryong aksyon ang sinomang mapapatunayang gumawa o gagawa nito alinsunod sa mga patakaran ng kanilang paaralan at batas ng bansa. 

“Ang kaligtasan at kapakanan ng buong komunidad ng paaralan ay nananatiling pangunahing prayoridad ng Pamunuan ng Paaralan at ng Pamahalaang Lungsod,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga batang edad 16 pababa, 'di dapat magkaroon ng 'unsupervised socmed access’—PPS

KAUGNAY NA BALITA: 2 estudyanteng menor de edad, nahulihan ng baril, patalim sa loob ng eskwelahan sa Aparri