Komento ni Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara na wala raw sa isip nilang kakailanganin talaga ng mga protocol upang malabanan ang mga insidente ng pamamaril ng estudyante sa loob ng eskwelahan.
Matatandaang binulaga ng pamamaril ang ng dalawang menor de edad at armadong lalaki ang San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte noong Lunes, Hunyo 22, 2026, kung saan tatlong mga mag-aaral ang naitalang nasawi sa shooting.
KAUGNAY NA BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!
Sa pahayag ni Angara sa naging pagbisita niya sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Martes, Hunyo 23, sinabi niyang isusulong na raw nila ang protocol na hindi pa nila niimplenta noon pa man sa mga eskwelahan matapos ang naging insidente ng pamamaril ng dalawang menor de edad sa naturang paaralan.
“I think, what we have now is kung ano ‘yong protocol which we have never had before,” pagsisimula niya.
Ani Angara, hindi raw umabot sa isip nilang mag-implementa ng ng protocol sa sitwasyong may mamamaril na estudyante sa loob mismo ng paaralan.
“‘Yong protocol kapag may namamaril na. It’s something we had never thought was applicable. Pero meron palang ganiyang protocol,” aniya.
Pagpapatuloy ni Angara, si Department of Health (DOH) Sec. Teodoro “Ted” Herbosa raw ang nagsabi sa kaniya na may protocol sa mga sitwasyon ng pamamaril para malimitihan ang kaso ng mga posibleng pagkasawi sa partikular na kahulugan.
“Si Sec. Ted Herbosa ang nagsabi sa akin. So pinaano niya… Ano ‘yong kapag trapped na kayo, ano ‘yong behaviour to minimize ‘yong lost and deaths,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, nasa kustodiya na ng Tacloban City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at kapulisan ang dalawang menor de edad na suspek sa shooting incident sa Tacloban.
Nakapiit na ngayon ang naturang mga suspek alinsunod sa child-sensitive protocols at juvenile justice laws habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at pinoproseso ang mga legal na dokumentasyon kaugnay sa naganap na insidente.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, pinuna PBBM admin sa pagkamatay ng mga estudyante sa bansa!
KAUGNAY NA BALITA: Shooting incident sa Tacloban, pinagplanuhan umano nang isang buwan—PRO-8