July 23, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ser Geybin sa hiwalayan nila ni Mam Elma: 'Di kami nagtagumpay isalba relasyon namin!'

Ser Geybin sa hiwalayan nila ni Mam Elma: 'Di kami nagtagumpay isalba relasyon namin!'
Photo courtesy: Ser Geybin (FB)

Nagsalita na rin ang social media personality na si "Ser Geybin" o Gavin Capinpin upang ibahagi ang kaniyang panig matapos kumpirmahin ng kaniyang longtime partner na si "Mam Elma" o Elma Asagra ang pagtatapos ng kanilang pitong taong relasyon.

Nitong Martes, Hunyo 23, inanunsyo ni Mam Elma sa kaniyang social media accounts ang pagwawakas ng pitong taong pagsasama nila ng content creator.

"Hi, everyone. I know a lot of you have been asking about Gavin and me. Ang daming speculations! We really tried our best to work things out. Yes, nakikita ninyo kaming masaya on-cam, pero sa likod ng camera, we also have our own problems and struggles na kami lang ang nakakaalam. Nilaban po namin hanggang sa huli," bahagi ng post ni Mam Elma.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Mam Elma na hindi totoo ang mga espekulasyon ng third party na kumalat laban sa kanilang relasyon, matapos pag-usapan ang nangyaring anxiety attack ni Ser Geybin.

Sa dulo, sinabi ni Mam Elma na bagama't wala na sila biglang mag-jowa, mananatili pa rin ang suporta at respeto nila sa isa't isa.

Relasyon at Hiwalayan

Jelai sa bagong partner ni King Badger: 'Sana ingatan mo siya para hindi na makaperwisyo ng iba'

"Gavin and I will continue to support each other as we go our separate ways. We hope that you will still join us on our new journeys," pagtatapos ni Mam Elma.

Maki-Balita: 'Nilaban namin hanggang sa huli!' Ser Geybin, Mam Elma winakasan 7 taong pagsasama

PANIG NI SER GEYBIN

Sa isang mahabang pahayag sa social media, inamin ni Gavin na hindi biro ang pitong taong pagsasama nila ni Elma at matagal nilang sinubukang ayusin ang kanilang relasyon bago tuluyang tanggapin na hindi na nila ito maaayos.

Ayon kay Gavin, marami silang pinagdaanang pagsubok na hindi nakita ng publiko sa kabila ng masasayang content na kanilang ibinabahagi online.

"Hindi biro ang pitong taon na saya at pagmamahal, kaya hayaan niyo ko ipaliwanag sa huling pagkakataon ang lahat," aniya.

"Elma and I had a beautiful 7 years, but kailangan na po namin sabihin sa inyo na lahat po ginawa namin pero hindi po kami nagtagumpay isalba ang relasyon namin."

"Matagal na po namin ito nilalaban at nilalabanan, pero hindi po namin masabi agad sa inyo dahil alam po namin na malulungkot kayo, dahil puro saya at pagmamahal lang ang naipakita namin sa inyo sa loob ng pitong taon, pero ang totoo marami rin kaming laban sa likod ng mga ngiti at saya na iyon."

"Hindi rin po namin itatanggi na kaya ayaw pa namin sabihin noon kasi sinusubukan pa rin po namin ang lahat para ayusin ang relasyon namin, pero dumating na po kami dito, sa hangganan," aniya pa.

Ipinaliwanag din ni Gavin na masakit para sa kanilang dalawa na makita ang isa't isa na nahihirapan at dumating sa puntong mas makabubuti nang maghiwalay kaysa ipagpatuloy ang relasyon na pareho na silang nasasaktan.

"Masakit makita na nahihirapan ang isa't isa pero mas mahirap makita na patuloy lang ang sakit kung ipagpapatuloy pa namin."

Kasabay nito, muling nilinaw ni Gavin ang mga kontrobersiyang lumutang kamakailan kaugnay ng mga larawang kumalat sa social media at mga alegasyon ng third party.

Ayon sa kaniya, hindi ang mga naturang isyu ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at alam umano ni Elma ang lahat ng nangyari.

"Aware rin po ako sa mga kumakalat na kwento nung nakaraan, nakakalungkot na sa simpleng litrato maraming kwento at haka-haka na ang nabuo."

"Alam ko na may mga taong iisipin na ang mga gawa-gawang kwento na iyon ang dahilan ng aming hiwalayan, kaya lilinawin ko lang po muli, kaibigan ko po iyon, at hindi po iyon ang dahilan ng aming hiwalayan."

"Alam rin po ni Elma na may kasabay akong lilipad noon dahil nagpaalam ako at may kanya-kanya kaming lakad."

Humingi rin ng paumanhin si Gavin sa pamilyang nadamay sa mga espekulasyon at masasakit na komentong kumalat online.

"Kaya humihingi po ako ng kapatawaran sa kaibigan ko na yon at lalo na sa pamilya niya dahil nadamay sila ng walang kamalay-malay, hinusgahan at kung ano-anong paninira na kwento ang naibato sa kanila ng wala naman silang alam sa nangyayari."

"Kaya pati ang pamilya ko ay hiyang-hiya sa nangyari, kaya hinihiling po namin lalo na ako, na sana ay may pagkakataon na makaharap po ako sa kanila sa unang pagkakataon at humingi ng kapatawaran personal at mabigay respeto sa lahat ng nangyari."

Nagpahayag din siya ng paghingi ng tawad sa kanilang mga magulang at pamilya na lubhang naapektuhan ng kanilang desisyon.

"Gusto ko rin po humingi ng kapatawaran sa pamilya ko at lalo na sa pamilya ni Elma dahil sa sakit ng desisyon namin ito, kasi alam namin na kung mahirap sa amin, mas mahirap sa kanila dahil pamilya na ang tingin namin sa isa't isa."

"Tito at Tita, patawarin nyo po kami dahil nasa dulo na po kami ng masaya naming pagsasama. Masakit man po sa amin gawin ito pero ito na po ang nakita naming solusyon. Andito lang po ako lagi, mananatili nyo po akong pamilya."

Pinasalamatan din ni Gavin ang kanilang mga tagasuporta na naging bahagi ng kanilang paglalakbay bilang content creators.

"Sa lahat ng mga sumuporta sa amin mula umpisa, hindi niyo alam kung gaano kasakit sa amin yung desisyon na ito dahil parte kayo ng naging buhay namin."

"Isa kayo sa bumuo sa amin, isa kayo sa nagpapalakas sa amin pag mahina na kami, at isa kayo sa nagdala kung bakit kami nandito sa posisyon namin na ito. Kaya sana patuloy niyo pa rin kami suportahan sa tatahakin naming landas."

Sa pinakahuling bahagi ng kaniyang mensahe, nagbigay si Gavin ng emosyonal na pagpupugay kay Elma at inaming mananatili itong espesyal sa kaniyang puso sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

"Elma, gusto ko lang sabihin na habang buhay ko dadalhin yung pagmamahalan natin at isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"Wala akong pagsisisi sa lahat ng nangyari dahil napakadami mong naituro sa akin at naitulong sa akin, ikaw ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay sa hirap man o saya."

"Proud ako sa'yo mula umpisa hanggang dulo. Ayoko magsalita ng tapos pero hindi naman natin alam kung ano pwede mangyari sa hinaharap, basta ako I will never forget you and I will always be here for you."

"Susuportahan at papalakpakan kita kahit nasa malayo ako. At gaya ng sabi mo ako din 'you will always have a space in my heart'."

Sa pagtatapos ng kaniyang pahayag, hiniling ni Gavin sa kanilang mga tagahanga na igalang ang kanilang naging desisyon at suportahan pa rin sila sa kani-kanilang bagong yugto ng buhay.

"Sana po ay respetuhin niyo itong naging desisyon namin at let's keep moving forward. Patuloy po namin susuportahan ang bawat isa at ganoon din po sana kayo sa amin."

"Every story has an end, but in life every ending is just a new beginning," aniya pa.

Matatandaang naging usap-usapan ang kalagayan ni Gavin matapos siyang makaranas ng anxiety attack, kasabay ng pagkalat ng iba't ibang espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Noong panahong iyon, mariin niyang itinanggi na may third party at iginiit na hindi pa sila hiwalay ni Elma.

Maki-Balita: Kaya na-anxiety attack? Ser Geybin, trending dahil sa alegasyon ng 'cheating issue!'

Maki-Balita: Sir Geybin tungkol sa cheating issue: 'Tropa lang yun, alam ni Elma yun!'