Nagpahatid ng kaniyang pakikiramay si Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara sa mga nasawing biktima ng pamamaril sa San Jose National High School, nitong umaga ng Lunes, Hunyo 22.
“Nakikiramay po kami sa pamilya at kasama ng 3 [tatlong] estudyanteng pinatay sa San Jose, [T]acloban,” saad ng kalihim sa kaniyang maikling mensahe.
Binanggit ng Kalihim na sa kasalukuyan, papunta na siya at ang ilan pang mga kawani ng DepEd upang tumulong sa mga naapektuhan ng nasabing insidente ng pamamaril, lalo na sa mga biktima na nasa ospital.
“Papunta na po kami ng aming mga Usec/[A]sec para tumulong sa mga na-ospital,” saad ni Angara.
Matatandaang bukod sa tatlong nasawi, lima pa ang naiulat na sugatan at isinugod sa ospital, dahil sa pamamaril sa San Jose National High School.
Batay sa paunang imbestigasyon, dalawang armadong lalaki ang nasa likod ng pamamaril.
Isa sa mga suspek ang kinilalang 15 taong gulang na residente sa Tacloban City.
MAKI-BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!
Sa kasalukuyan din, inihayag ng Department of Education (DepEd) Regional Office VIII at Department of Education (DepEd) main office ang kanilang mariing pagkondena at pagkabahala sa isang pahayag para sa publiko.
MAKI-BALITA: DepEd RO VIII, ‘in deep concern’ sa shooting incident sa San Jose NHS
MAKI-BALITA: DepEd sa shooting incident sa San Jose NHS: ‘We strongly condemn this act of violence!’