July 23, 2026

Home BALITA National

Sen. Marcoleta sa media: 'Lahat naman ng sinasabi ko, 'di n'yo pina-publish!'

Sen. Marcoleta sa media: 'Lahat naman ng sinasabi ko, 'di n'yo pina-publish!'
File Photo

Tila may hinanakit sa hanay ng media si Sen. Rodante Marcoleta dahil hindi naman daw nilalabas ng mga ito ang kaniyang mga sinasabi. 

Matatandaang naging kontrobersyal ang pahayag ni Marcoleta sa ikinasa nilang Senate Blue Ribbon meeting noong Hunyo 4, 2026, matapos niyang sabihing “bayaran” ang ilang Senate Media. 

Matapos nito, agad namang humingi ng paumanhin si Marcoleta noon ding Hunyo 4, at sinabi niyang hindi niya intensiyong saktan o maliitin ang buong hanay ng media at inamin niyang bunga ng kaniyang pagkadismaya ang naging pahayag.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Frustrated lang?’ Sen. Marcoleta, nag-sorry matapos sabihing ‘bayaran ang Senate media!’

Sa naging pahayag naman ni Marcoleta nang muli siyang dumalo sa sesyon ng Senado nitong Miyerkules, Hunyo 17, pinatutsadahan naman niyang hindi raw inilalabas ng media ang lahat ng kaniyang mga sinasabi. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

“Lahat naman ng sinasabi ko, hindi n’yo naman pina-publish,” banat niya. 

Pagpapatuloy pa ni Marcoleta, maraming beses na raw siyang nagpaliwanag sa laging mga katanungan ng media sa kaniya ngunit hindi raw siya makita sa mga inimprentang dyaryo. 

“Sa totoo lang, ilang beses n’yo na akong tinanong [at] nagpaliwanag ako ng mabuti, pero kapag binasa mo lahat ang mga dyaryo, wala,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, muling nagpakita sa sesyon ng Senado si Marcoleta kasama ang ilang mga kapuwa niya senador sa paksyon ng Cayetano bloc na sina Sen. Loren Legarda, Sen. Pia Cayetano, Sen. Bong Go, at Sen. Imee Marcos nitong Miyerkules, Hunyo 17, magmula noong huli silang pumasok sa Senado noong Hunyo 1, 2026, nang kusang sumuko sa mga awotridad si Sen. Jinggoy Estrada. 

Sa kasalukuyan, opisyal nang nanumpa bilang bagong Senate President si Sen. Win Gatchalian matapos ang isinagawa nilang special session ng Senado umaga nitong Miyerkules, Hunyo 17, alinsunod sa utos ng Pangulo. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Majority rules. This is democracy!' Sen. Bong Go, pumabor sa 'legal' na majority bloc

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Loren sa pagtanggap sa bagong mayorya: '13 na e, noong 12, hindi pa!'