Tinatanggap na umano ni dating Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang kasalukuyang kabuuang 13 na mga senador bilang bagong mayorya sa Senado sa pamumuno ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian.
Matatandaang opisyal nang nanumpa bilang bagong Senate President si Gatchalian sa ikinasa nilang special session sa Senado batay sa utos ng Pangulo nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2026, sa layuning ikonsidera ang pagpapasa ng ilang priority legislative measures na may kinalaman sa social protection at pagpapaganda ng buhay ng mga Pilipino.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Erwin Tulfo, ‘relieved’ at ‘happy’ sa pagiging SP ni Sen. Win!
Sa naging pahayag naman ni Legarda sa panayam sa kaniya ng media sa Senado nito ring Miyerkules, sinabi niyang matatanggap na raw niya ang bagong majority bloc dahil binubuo na raw ito ng 13 na bilang ng mga senador.
“Trese na, e. ‘Di ba? Trese na. Noong dose [pa sila], hindi pa. Pero trese na,” pagsisimula niya.
Diin ni Legarda, noon pa man daw kailangang sundin ang pagkakaroon ng 13 na boto o mayorya kung maabot ang naturang bilang alinsunod sa ruling ng Senado.
“‘Di ba ‘yan naman ang sinasabi ko. What Rule II, Section 2 of the Rules of the Senate? All officers of the Senate will be elected by a majority of all its members. Twenty four divided by two plus one ay mayorya,” aniya.
Giit pa niya, “Mula sa simula naman ay ganoon, e.”
Ani Legarda, tanggap na rin daw nila ang opisyal na pagbibitiw sa puwesto ni dating Senate President Cayetano dahil sa naturang bilang ng majority bloc at madala na raw iyo.
“Oo naman. Nag-concede na siya kaninang umaga. Simple lang ito, kapag may mayorya ka ng twenty four a majority of all its members, then you have the leadership,” ‘ika niya.
“:Ganoong kasimple. Sundin lang natin ang rules.,” pagtatapos pa niya.
Nakatakdang magsagawa muli ng sesyon sa Senado sa ganap na ika-3:00 ng hapon ngayon ding Miyerkules, Hunyo 17, na pangungunahan ng mga miyembro ng majority bloc at tatlong kasapakat ng Cayetano bloc na dumalo sa pagpupulong, partikular sina Sen. Rodante Marcoleta, Sen, Loren Legarda, at Sen. Imee Marcos.
KAUGNAY NA BALITA: SP Win, kokontakin 'di pumapasok na Cayetano bloc!