Tinuldukan na ng award-winning music producer na si Jonathan Manalo ang umuugong na intriga sa BINI kaugnay sa pagtatanghal nila sa nakaraang Coachella Valley Music and Arts Festival.
Ang Coachella ay taunang music and arts festival na hango ang pangalan sa isang siyudad.
Maki-Balita: Ano ang Coachella at bakit big deal ito sa music industry?
Sa latest episode ng podcast ni Kring Kim na “Think Talk Tea” noong Martes, Hunyo 17, nilinaw ni Jonathan na hindi raw binayaran ng BINI ang Coachella.
“Binayaran n’yo ba ang Coachella?” usisa ni Kring.
Pero sabi ni Jonathan, “Binayaran ang BINI.”
Mismong Coachella pa raw ang opisyal na nag-imbita para mag-perform doon ang Nation’s girl group. Sina Direk Lauren Dyogi at Roxy Liquigan ang mga unang nakatanggap ng balita tungkol dito.
Maki-Balita: BINI, magpe-perform sa Coachella sa 2026!
Matatandaang kinilala ng Senado ang makasaysayang pagtatanghal na ito ng BINI bilang kauna-unahang Filipino na nakatuntong sa stage ng Coachella. Ilang araw matapos ito, binigyang-parangal din ng Kamara ang Nation’s girl group.
Maki-Balita: BINI, kinilala ng Senado matapos ang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella
Maki-Balita: BINI, kinilala ng Kamara sa kanilang Coachella performance