July 10, 2026

Home BALITA Probinsya

SHS covered courts ng AdDU, ipapangalan kay Rene Baterbonia

SHS covered courts ng AdDU, ipapangalan kay Rene Baterbonia
Photo courtesy: Rene Clert Baterbonia (FB), Ateneo de Davao University (FB)

Inanunsyo ni Fr. Karel San Juan na ipapangalan sa namayapang student-athlete na si Rene Baterbonia ang senior high school basketball court ng Ateneo de Davao (AdDU) bilang paggunita sa kaniyang mga alaala. 

Sa isinagawang misa sa burol ni Rene sa Davao noong Sabado, Hunyo 13, ibinahagi ni Fr. Karel na papangalanang “Rene Bobet Baterbonia Covered Court” (RBBCC) ang nasabing basketball court. 

Aniya pa, ilalagay din nila rito ang mga litrato ni Rene na naglalaro ng basketball at naka-jersey upang hindi malimutan ng buong AdDU community ang mga naiwan niyang alaala. 

“Pangalan niya pati yung kaniyang pictures. Bobet na naglalaro, Bobet na naka-uniform kasi si Bobet laging naka-PE uniform at jersey. Ilalagay namin ang photos ni Bobet do’n para forever naming maaalala si Bobet Baterbonia sa pamamagitan ng covered courts,” ani Fr. Karel. 

Sa nasabi ring misa, inanunsyo ni Fr. Karel na bibigyan ng AdDU ng scholarship ang anim na nakababatang kapatid ni Rene, upang maisakatuparan ang pangarap nitong nagdala sa kaniya sa Maynila. 

Probinsya

Probinsya ng Batanes, naninindigan sa awtoridad ng Pilipinas

MAKI-BALITA: Ateneo de Davao, sinagot na scholarship ng mga kapatid ni Rene Baterbonia

Matatandaang nasawi sa pagkalunod si Rene sa kasagsagan ng team-building ng Ateneo de Manila University sa Dipaculao, Aurora, noong Lunes, Hunyo 8. 

MAKI-BALITA: 'Akala ko training lang, hindi military training!'—Ina ni Rene Baterbonia

KAUGNAY NA BALITA: 'One of the brightest talent!' Ateneo de Davao, inalala naging karera ni Baterbonia