June 09, 2026

Home SPORTS

'One of the brightest talent!' Ateneo de Davao, inalala naging karera ni Baterbonia

<b>'One of the brightest talent!' Ateneo de Davao, inalala naging karera ni Baterbonia</b>
Photo courtesy: Rene Clert Baterbonia (FB)

Nakiramay ang Ateneo de Davao University sa naging pagpanaw nina Davao Region Athletic Association (DAVRAA) “Mr. MVP” Rene Clert Baterbonia at Nigerian foreign-athlete Divine Adili. 

Matatandaang nauna nang opisyal na inanunsyo ng Ateneo de Manila University ang pagpanaw nina Baterbonia at Adili sanhi umano ng pagkalunod ng dalawa sa isinagawang team-building ng kanilang kupunan sa Dipaculao, Aurora, noong Lunes, Hunyo 8, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

Sa inilabas na pahayag ng Ateneo de Davao University sa kanilang Facebook page nitong Martes, Hunyo 9, sinabi nilang higit pa sa isang manlalaro si Baterbonia dahil inspirasyon din daw ng karamihan ang huli. 

“[O]ne of our own was more than a student-athlete. He was a brother, a teammate, a friend, and an inspiration to everyone who had the privilege of knowing him,” pagsisimula nila. 

DepEd, nakiramay sa pagkamatay ni Rene Clert Baterbonia

Paglalatag nila, itinanghal bilang Most Valuable Player (MVP) sa Palarong Pambansa si Baterbonia noong 2025 at malinaw raw na isa sa mga batang may higit na potensyal sa mundo ng basketball. 

Giit nila, higit pa raw sa mga nabanggit si Baterbonia dahil may katangian daw ito ng pagiging isang makatao, lider, at mabuti sa mga nakapaligid sa kaniya. 

Anila, maaalala raw nila si Baterbonia bilang “Gentle Giant” at tunay na MVP ng court. 

“We will forever remember him as our Gentle Giant. A young man whose presence brought strength, comfort, and joy, and who was truly an MVP on and off the court,” diin nila. 

Dagdag pa nila, “Last week, he stepped forward toward the future he had worked so hard for. Yesterday, he was taken from us. We hold that sorrow with his family, and we do not hold it lightly.” 

Pagpapatuloy ng Ateneo de Davao, nakikiramay rin daw sila naging pagpanaw ni Adili na kasabay na nasawi ni Baterbonia sa sinapit nilang mapait ng trahedya. 

“We also mourn Divine Adili, his teammate, [who died] in the same tragedy,” pagtatapos nila. 

Batay sa Ateneo de Davao, magsasagawa raw sila ng misa para kina Baterbonia at Adili sa darating na Biyernes, Hunyo 12, sa ganap na 10 ng umaga sa kanilang Senior High School Chapel. 

KAUGNAY NA BALITA: PSC nakiramay, tutulong sa imbestigasyon ng pagkasawi nina Baterbonia at Adili!

KAUGNAY NA BALITA: DepEd, nakiramay sa pagkamatay ni Rene Clert Baterbonia