June 09, 2026

Home SPORTS

PSC nakiramay, tutulong sa imbestigasyon ng pagkasawi nina Baterbonia at Adili!

PSC nakiramay, tutulong sa imbestigasyon ng pagkasawi nina Baterbonia at Adili!
Photo courtesy: PSC (FB)

Inihayag sa publiko ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang pakikiramay sa pagkasawi nina “MR. MVP” ng DAVRAA Rene Clert Baterbonia at Nigerian foreign-athlete Divine Adili. 

Matatandaang opisyal na inanunsyo ng Ateneo de Manila University Facebook page ang pagpanaw nina Baterbonia at Adili sa kanilang sanhi umano ng pagkalunod ng dalawa sa isinagawang team-building ng kanilang kupunan sa Dipaculao, Aurora, noong hapon ng Lunes, Hunyo 8, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

Anang PSC nitong Martes, Hunyo 9, malungkot na trahedya raw para sa Philippine sports at lahat ng sumusuporta kina Baterbonia at Adili ang hindi inaasahan nilang pagpanaw. 

“Their loss is a profound tragedy for Philippine sports and for all who knew and supported them,” pagsisimula nila. 

<b>'One of the brightest talent!' Ateneo de Davao, inalala naging karera ni Baterbonia</b>

Pagtitiyak ng PSC, susuportahan daw nila ang ikinakasang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naging insidente ng pagkasawi ng dalawang manlalaro bilang pagsunod sa mandato ng gobyerno sa pagsusulong sports at kapakanan ng lahat ng manlalaro sa Pilipinas. 

Anila, pinag-aaralan na rin daw ng iba’t ibang mga ahensya, partikular ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Commission on Higher Education (CHED), at National Youth Commission (NYC) ang mga kasalukuyang polisiya at training practice ng mga manlalaro sa bansa para isulong ang mas ligtas na training environment ng mga atletang Pinoy. 

Pagpapatuloy ng PSC, sisiguraduhin daw nilang mas maging ligtas ang kalagayan ng mga manlalaro sa bansa para na rin hindi na muling mangyari ang mapait na sinapit nina Baterbonia at Adili. 

“The goal is not only to understand what happened, but to ensure that lessons learned lead to safer, more responsive systems that protect athletes while sustaining high-performance sport,” ‘ika nila. 

Diin pa nila, “Excellence in sport requires environments that push human potential, but never at the expense of safety.” 

“The PSC stands in solidarity with the families and loved ones of Divine and Rene during this time of profound sorrow,” pagtatapos pa nila. 

Samantala, tiniyak naman Police Regional Office 3 (PRO 3) sa inilabas nilang pahayag noon ding Lunes, Hunyo 8, ang pagkakasa nila ng imbestigasyon sa naturang insidente.