Pinasalamatan ni Ateneo de Davao Blue Knights high school at college coach Jess Linus Evangelio (Coach Jess) ang Kapamilya star na si Gerald Anderson sa personal nitong pagpunta sa burol ng nasawing si Rene Baterbonia.
Matatandaang opisyal na inanunsyo ng Ateneo de Manila noong Hunyo 8, 2026, ang insidente ng pagkalunod ng dalawang miyembro ng Ateneo Blue Eagles na sina Baterbonia at Divine Adili sa isinagawa nilang team building sa Dipaculao, Aurora.
KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!
Sa inupload na larawan ni Coach Jess sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, Hunyo 13, makikitang nasa burol ni Rene si Gerald kasama ang ina ng biktima na si Rovelyn Baterbonia.
Mababasa sa caption na pinasalamatan ni Coach Jess si Gerald dahil sa pagpapangiti raw ng huli sa ina ni Rene kahit sa saglit na pagkakataon.
“Thank you so much Gerald Anderson gypa smile nimo mama ni Rene maski kadali,” anang coach.
Screenshot mula sa FB post ni Coach Jess.
Si Coach Jess ang tumayong tagasanay ni Rene mula noong high school sa Ateneo de Davao University at pagharap ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) sa Palarong Pambansa sa lumipas na anim na taon.
Samantala, matatandaang naglabas na ng video statement ang head coach ng Blue Eagles na si Coach Tab Baldwin noong gabi ng Biyernes, Hunyo 12, 2026.
“As a coach, we are entrusted with the growth of our basketball players, the development of these young men into future professionals, but mostly, as a coach, I'm entrusted by you, the parents and the families, with first and foremost, their well-being. And in this, I feel I've failed. And I'm sorry. To the depth of my being, I'm sorry,” ani Tab.
KAUGNAY NA BALITA: Pagpunta ni Sen. Robin sa burol ni Rene Baterbonia, umani ng reaksiyon
KAUGNAY NA BALITA: Rene Baterbonia, minsan nang nagbigay ng 80% ng kinita sa pamilya niya!