Nakisimpatya ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Ateneo de Manila University sa pagluluksa nito sa pagkasawi ng dalawang miyembro ng kanilang men’s basketball team na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.
Matatandaang opisyal na inanunsyo sa publiko ng Ateneo de Manila ang insidente ng pagkalunod nina Baterbonia at Adili sa isinagawang team building ng kanilang kupunan sa Dipaculao, Aurora, noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!
Anang NCAA sa inilabas nilang pahayag sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Hunyo 10, tumitindig daw sila kasama ng Ateneo de Manila at ng buong University Athletic Association of the Philippines sa pagluluksa nila sa pagkawala ng nabanggit na dalawang manlalaro.
Diin ng NCAA, mga student-athlete daw sina Baterboniat Adili na naglaro nang buong puso, nag-aral, at pinahalagahan ang kanilang koponan, dahil dito titiyakin daw nilang maaalala nila ang ipinakitang dedikasyon ng dalawang nabanggit.
“They were student-athletes who played with heart, studied with grit, and cared deeply for their teammates. Their passion, dedication, and sportsmanship will always be remembered,” ‘ika nila.
Photo courtesy: NCAA (FB).
Anila, nagluluksa rin daw sila para kina Baterbonia at Adili kagaya ng nararamdaman ng pamilya ng mga nasawi at mga kasamahan.
“To their families: We share your grief and offer our heartfelt prayers for strength, comfort, and peace during this difficult time,” saad nila.
Dagdag pa ng NCAA, “To their teammates, coaches, and friends: The court feels emptier today, but the memories they created and the lives they touched will remain forever.”
Pagpapatuloy ng NCAA, wala raw limitasyon ang paghihinagpis at mahalaga raw na magkaisa ang lahat bilang mga bumubuo ng organisasyon sa collegiate sports.
“We may be from different leagues, but sorrow knows no boundaries. In moments like these, we stand united as one collegiate sports community,” pagtatapos pa nila.
Samantala, habang sinusulat ito, nasa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City, Metro Manila, na ang mga labi ni Baterbonia habang inaasikaso umano ng kaniyang pamilya ang pagbabalik niya sa Talacogon, Agusan del Sur.
Nasa nabanggit na chapel din ang mga labi ni Adili habang umaapela ang kaniyang pamilya na ilipad siya pabalik sa bansang Nigeria.
KAUGNAY NA BALITA: Bukod kina Rene at Divine: 2 pa, muntik na ring malunod—Aurora Police
KAUGNAY NA BALITA: Nalunod na pangarap: Huling pangako ni Rene Baterbonia, 'Iaahon ko ang aking pamilya sa kahirapan!'