July 21, 2026

Home SPORTS

Gretchen Ho nasaktan sa pagkasawi nina Rene Baterbonia, Divine Adili

Gretchen Ho nasaktan sa pagkasawi nina Rene Baterbonia, Divine Adili
Photo Courtesy: File photo, Gretchen Ho (FB)

Nagpaabot ng pakikisimpatya ang dating TV5 news presenter na si Gretchen Ho para sa mga nasawing student athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sa latest Facebook post ni Gretchen nitong Miyerkules, Hunyo 10, sinabi niyang masakit umano para sa kaniya ang nangyaring trahedya bilang dati ring student athlete.

“As a former student-athlete of Ateneo, this tragedy hits very close to home. It is, deeply painful,” saad ni Gretchen.

Dagdag pa niya, “There are legitimate questions about what happened, and I trust that the multi-stakeholder body formed by the PSC, together with representatives from the UAAP, SBP, CHED, and NYC, will establish the facts and present them to the public at the appropriate time.”

Ayon kay Gretchen, nauunawaan namang nasa estado pa ng pagkabigla ang mga tao dapat lang namang maglaan nng espasyo para magluksa, ngunit ang pananahimik umano ay nagbubukas ng mga espekulasyon at maling naratibo.

Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!

“We trust that the institution we call home will do the right thing,” dugtong pa ng dating news presenter.

Matatandaang ayon sa Ateneo de Manila University (AdMU), pagkalunod umano ang sanhi ng pagkamatay nina Rene at Divine sa isinagawang team-building ng kanilang kupunan sa Dipaculao, Aurora, noong hapon ng Lunes, Hunyo 8, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili! 

Ngunit kinuwestiyon ng ina ni Rene na si Rovelyn Baterbonia ang uri ng training na ipinagawa mga manlalaro.

“Akala ko training lang. Hindi military training! Ano ba ‘yon?” anang ina ni Rene sa panayam ng media.

Maki-Balita: 'Akala ko training lang, hindi military training!'—Ina ni Rene Baterbonia

Samantala, tiniyak naman ng AdMU na magbibigay sila ng suporta at assistance para sa pamilya ng mga nasawing player.

Maki-Balita: Ateneo, nagluluksa sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili; magbibigay ng suporta, assistance sa pamilya