Hindi maiwasang balikan ng fans, supporters, at netizens ang huling social media posts ng 19-anyos na aspiring basketball player ng Ateneo de Manila University Blue Eagles na si Rene Clert Baterbonia na pumanaw matapos ang trahedya ng pagkalunod kasama ang Nigerian student athlete na si Divine Adili, sa isinagawang team-building activity ng Ateneo Men's Basketball Team sa Dipaculao, Aurora noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Sa opisyal na pahayag ng unibersidad noong Lunes,, kinumpirma nito ang pagpanaw nina Rene at Divine at nagpahayag ng pakikiramay sa kanilang mga pamilya, kaibigan, kakampi sa koponan, at mga coach.
Sa social media, bumuhos din ang mga mensahe ng pakikidalamhati mula sa kapwa atleta, alumni, basketball fans, at mga ordinaryong Pilipino.
Maki-Balita: ‘The Next Great Big Man:’ Ang nasawing ADMU foreign-athlete na si Divine Adili
Marami ang nagsabing napakasakit isipin na isang kabataang puno pa ng pangarap ang biglang nawala. Hindi rin naiwasan ng mga netizen na kuwestyunin ang uri ng training para sa mga atleta; bakit daw kailangan pang gawin sa isang beach, at bakit daw kailangang may pabigat sa magkabilang arms.
Binalikan naman ng mga netizen ang huling "pamamaalam" ng atleta noong Mayo 31, na tila premonition daw, lalo't ang ginamit pa niyang larawan dito ay black and white.
"From dreams and sacrifices to unforgettable memories, my Palarong Pambansa journey has been one of the greatest chapters of my life. Every training session, every challenge, every victory, and every setback helped shape me into a stronger athlete and person," aniya sa kaniyang Facebook post noong Mayo 31.
"Representing Davao Region on the national stage was an honor that I will always carry with pride. This journey was never just about medals—it was about growth, friendships, lessons, and the people I met along the way."
"Thank you, Off-Campus. Thank you, Ateneo. Thank you, Davao Region. Thank you to my coaches, teammates, family, and everyone who supported me throughout this journey."
"As this chapter comes to an end, I leave with a grateful heart and memories that will last a lifetime."
"This is RENE CLERT BATERBONIA, Jersey #2 of the DAVRAA Eagles is signing off. Thank you for everything," mababasa sa kaniyang post.
Sa TikTok video naman niya, ipinakita niya ang isang video clip habang pinakikita ang kaniyang medalya na may background song na "Kalapastangan."
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Iba na magsalita siya dito"
"Seems like this post says something. Parang sign talaga kasi even the color of his Picture. Gone to soon lods."
"The last sentence of this post where he tells this is Rene clert Baterbonia jersey #2 of the DAVRAA eagles is signing off, it is the sign that he will not just signing as a DAVRAA eagles boy basketball secondary but forever signing as a Mr.Mvp the pride of our beloved province Agusan del Sur rest in peace idol were truly mourning for your loss."
"Imagine everyone is cheering for your success, but yet tragedy happened unexpectedly."
"foreshadowing ang kanta, boshit"
"Bakit ganyan yung sound nya sa last post nya, bakit parang alam nya."
Maki-Balita: Nalunod na pangarap: Huling pangako ni Rene Baterbonia, 'Iaahon ko ang aking pamilya sa kahirapan!'
Bagay na sinegundahan naman ng abogadong content creator na si Atty. Race Del Rosario.
Mababasa sa kaniyang social media post, "'Mamamatay akong nakangiti.'"
"Yesterday, we all heard the news about the two basketball players who died during teambuilding. One of them was Rene Baterbonia, a fellow Agusanon."
"Rene was a 19-year-old basketball prodigy, who has won in several local and international basketball events. Nagsumikap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya."
"His latest TikTok video showed him proudly displaying his Palarong Pambansa medal, won in his home region."
"What makes it even more heartbreaking is the background music he chose: Kalapastangan by fitterkarma. The lyrics playing in the video were, 'Mamamatay akong nakangiti.'"
"He also posted a black and white photo on his Facebook account with the caption: “This is RENE CLERT BATERBONIA, Jersey #2 of the DAVRAA Eagles signing off. Thank you for everything.'"
"Sana despite the tragedy, namatay kang nakangiti, Ren. Pahuway ug tarong. Rest in Peace also to Divine Adili," aniya pa.
Nagpahayag din ang abogado ng pagnanais na matulungan ang magulang ni Rene.
"Where can I contact the mother of Rene Baterbonia? Could someone link me to her? As a fellow Agusanon and Atenean, I am very much willing to help the family of Rene," aniya pa.
Bandang 7:45 ng gabi, napag-alaman ni Atty. Del Rosario na may kasama na raw abogado ang nanay ni Rene na si Rovelyn Baterbonia.
"UPDATE: Mayroon na daw pong kasamang mga abogado ang pamilya ni Rene Baterbonia. Tututukan po natin ito hanggang makamit ang hustisya," pahayag niya.
Samantala, ayon naman sa update ng Ateneo nitong Martes, Hunyo 9, sinabi nilang patuloy silang nagluluksa kasama ng pamilya ng dalawang student athletes, at nangakong magbibigay ng suporta at assistance sa kanilang mga pamilya.
Maki-Balita: Ateneo, nagluluksa sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili; magbibigay ng suporta, assistance sa pamilya
Sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) Aurora na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, walang foul play na naganap sa pagkamatay ng dalawang student-athletes.