June 02, 2026

Home BALITA National

SP Alan, maling-mali sa 'let the Senate go quiet'—Sen. Risa

SP Alan, maling-mali sa 'let the Senate go quiet'—Sen. Risa
Photo courtesy: Risa Hontiveros, File Photo

Bumuwelta si Sen. Risa Hontiveros na maling-mali raw ang sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na manahimik ang Senado noong Lunes, Hunyo 1, 2026. 

Matatandaang naglabas ng pahayag si Cayetano noong Lunes at umapela siya sa mga miyembro ng minority bloc na makiisa sa majority para hayaang manahimik daw ang Senado dahil na rin sa pagkakaaresto ng mga awtoridad kay Sen. Jinggoy Estrada. 

“I am asking you to join one deliberate act — to let the Senate go quiet, together and by choice, so the country is made to ask why a co-equal branch would fall silent rather than be made to serve,” saad ni Cayetano. 

KAUGNAY NA BALITA: SP Cayetano hinamon, kinalampag ang minority bloc: 'Will you stand for the Senate’s independence?'

Sa naging tugon naman ni Hontiveros sa isinagawang press conference ng buong miyembro ng minority bloc sa plenary session hall nitong Martes, Hunyo 2, sinabi niyang maling mali raw ang naturang pahayag ni Cayetano dahil ang Senado raw ang boses ng mamamayan. 

National

'Walang ganoon!' Minority bloc, pinabulaanang niligawan si Sen. Jinggoy

“Maling-mali pa ‘yong sinabi niya kahapon na let the Senate go quiet. Ang Senado, dapat boses ng mamamayan bakit niya bubusalan?” pagsisimula niya. 

Ani Hontiveros, hindi na raw karapat-dapat maging pinuno ng Senado si Cayetano kung hahayaan lang nitong manahimik ang mataas na kapulungan ng Kongreso. 

“Kung bubusalan niya at hindi niya bibigyang-daan ‘yong boses ng Senado, alang-alang sa mamamayan, talagang hindi na siya karapat-dapat mamuno dito,” pagtatapos ni Hontiveros. 

Singit naman ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, wala raw ibang ginagawa si Cayetano kundi ang proteksyunan ang kaniyang puwesto bilang Senate President at tingin daw nilang nakikisama na lang ang ilang miyembro ng majority bloc sa kaniya. 

“At what prize? Ang pinoprotektahan lang ‘yong Senate presidency, ‘yong power, ‘yong position… Ano ba ang prize para sa inyo? Sa tingin namin, wala, e. Ang tingin namin nakikisama lang sila kay Senate President Cayetano,” patutsada ni Lacson. 

Ikalawang beses nang hindi dumadalo ang mga miyembro ng majority bloc sa sesyon ng Senado magmula noong Lunes dahil sa pagkakahuli ng mga awtoridad kay Estrada. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Raffy kay SP Alan: 'Kung matapang ka, pumunta ka rito bukas!'

KAUGNAY NA BALITA: Majority bloc ng senado, nagprotesta vs. 'puppet Senate'