June 02, 2026

Home BALITA National

Sen. Raffy kay SP Alan: 'Kung matapang ka, pumunta ka rito bukas!'

Sen. Raffy kay SP Alan: 'Kung matapang ka, pumunta ka rito bukas!'
Photo courtesy: Kiko Pangilinan (FB), File Photo

Personal na hinamon ni Sen. Raffy Tulfo si Senate President Alan Peter Cayetano na dumalo raw sa sesyon ng Senado sa darating na Miyerkules, Hunyo 3, 2026, kung talaga raw matapang ang nabanggit. 

Ayon sa naging pahayag ni Tulfo sa isinagawang press conference ng lahat ng miyembro ng minority bloc sa plenary session hall ng Senado nitong Martes, Hunyo 2, duwag daw si Cayetano kung hindi ito magpapakita sa nakatakdang kasunod na sesyon ng mataas na kapulungan. 

“Hinahamon ko si Alan Peter Cayetano,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Kung matapang ka, pumunta ka rito bukas otherwise duwag ka.” 

Batay naman sa naging pakiusap ni Sen. Bam Aquino, hiniling niyang pumasok ang mga miyembro ng majority bloc sa susunod na sesyon ng Senado. 

National

SP Alan, maling-mali sa 'let the Senate go quiet'—Sen. Risa

“Hinihiling po namin sa mga kasama namin na nagmamahal pa po sa Senado — na nais magtrabaho para sa taumbayan — pumasok po bukas,” saad niya. 

Ani Aquino, mas maganda raw na sa sesyon ng Senado mapag-usapan ang kahit na anong bagay na kailangan nilang linawing mga senador para sa taumbayan. 

“Magkita-kita tayo rito. Puwedeng pagdebatehan ang kahit na anong bagay, puwede pong pag-usapan ang kahit na anong bagay, dito po kami magdiskusyunan dahil nandito po tayo para magtrabaho,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang ikalawang beses nang hindi nagpakita ang lahat ng miyembro ng Senate Majority Bloc sa sesyon ng Senado magmula noong Lunes, Hunyo 1, matapos sumuko ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga awtoridad. 

Nahaharap si Estrada sa non-bailable case na inisyu ng Sandiganbayan kaugnay sa kinakasangkutan niyang maanomalyang flood control projects.

Noong Biyernes, Mayo 29, naghain ng ₱90,000 piyansa si Estrada para sa graft na isinampa rin sa kaniya ng Ombudsman. Kasunod nito, muli siyang naglabas ng pahayag at nanindigang walang mga tayan ang lahat ng inaakusa laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Senate majority bloc no show ulit, di na naman sisipot sa plenaryo!—Zubiri

KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso