May 30, 2026

Home BALITA National

NBI, tutugisin pa rin si Sen. Jinggoy maging sa loob ng Senado!

NBI, tutugisin pa rin si Sen. Jinggoy maging sa loob ng Senado!
Photo courtesy: File Photo

Tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibig na nakahanda pa rin nilang arestuhin si Sen. Jinggoy Estrada kahit magkataon mang nasa loob siya ng Senado. 

Pagkatapos ito ng inilabas na warrant of arrest ng Sandiganbayan nitong Biyernes, Mayo 29, 2026, laban kay Estrada dahil sa ikatlong beses na plunder case na kaniyang kinakaharap. 

Matatandaang nauna nang ilahad ng Office of the Ombudsman noong Huwebes, Mayo 28, na aabot umano sa ₱573 milyong kickbacks ang naibigay kay Estrada mula sa maanomalyang flood control projects. 

Mariing ding inihayag sa publiko ng Ombudsman na sa pagkakataong ito, “no bail” ang ipinataw ng nila sa plunder case ni Estrada dahilan para hindi magkaroon na pagkakataon ang huli na makapagpiyansa sa naturang plunder case laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman, 'no bail' para kay Sen. Estrada dahil sa umano'y ₱573M kickback sa flood control

National

Lalaking nangikil kapalit ng lokasyon ni Sen. Bato, ginamit lang daw ng pulis!

Sa naging pahayag naman ni Matibag sa isinagawang press conference ng NBI nito ring Biyernes, pinagbatayan niya ang kamakailang naging pagtatangka nilang magsilbi ng arrest warrant laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa noong Mayo 11, 2026. 

Kuwento ni Matibag, mariin pa raw nanindigan ang kampo ni Dela Rosa na hindi raw galing sa lokal na Korte ng Pilipinas ang inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa nabanggit. 

“The question is there is a presumption. But if you will allow me—during our discussion during that time we are about to serve the warrant of arrest to Sen. Bato—ang isang ginawa nilang confession doon [ay] hindi daw kasi local Court ‘yong ICC,” pagsisimula niya. 

‘Ika niya, “Kung local Court daw, e, papayag ka bang arestuhin?” 

Ani Matibag, kung ililinya raw sa usapin na iyon ang posibilidad na makapunta si Estrada sa Senado, malinaw raw na legal nilang maaaresto ang huli dahil mula sa lokal na Korte ang inisyung warrant of arrest laban sa kaniya.

“Along that line of argument, ibig sabihin kahit nasa loob siya [Estrada] ng Senado, he will be arrested and that will be a legal arrest,” saad niya. 

Diin ni Matibag, ganoon din naman daw ang nangyari noon nang maaresto ang senador pa lang noon na si Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima, at mga dati ring senador na sina Antonio Trillanes at namayapang si Juan Ponce Enrile.

“That's just like what happened to Sen. De Lima, Sen. Trillanes, and Sen. Enrile,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang tatlong plunder cases na tumira kay Sen. Jinggoy

KAUGNAY NA BALITA: Mga kasong kinasasangkutan ng mayorya, bumilis nang magpalit ng liderato—Sen. Estrada