Sinuportahan ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma si Sen. Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa naging aksyon ng huli sa pag-walk out ng mga miyembro ng minorya sa Senado noong Martes, Mayo 26, 2026.
Matatandaan kasing sabay-sabay umalis sa plenaryo ng Senado ang mga miyembro ng minority bloc noong Martes habang sandali namang naiwan si Sotto dahil sa naging mainit na tensyon nila sa majority bloc kaugnay sa tila minamadali umanong pag-amyenda sa Senate Rules.
KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit kailangang madaliin?' Senate minority bloc, nagpaliwanag bakit nag-walk out!
Sa post naman ni Barcoma nitong Huwebes, Mayo 28, makikitang ibinahagi niya ang pahayag ng uploader na si Atty. Carlo Ybanez tungkol sa veteran move umano ni Sotto sa nakaraang plenaryo sa Senado.
Paliwanag kasi ni Ybanez, hindi raw kasi agad nag-walk out sa plenaryo si Sotto para mag-call-out ng lack of quorum dahil may posibilidad daw na tumuloy ang hangaring magsulong ng amyenda ng ilang mga senador para payagang makaboto at makadalo sa mga sesyon ang kanilang kasamahan sa pamamagitan ng teleconference, kung walang ginawang call-out ang dating Senate President.
Ayon naman sa naging caption ni Barcoma sa pagbabahagi niya ng sentimyento ni Ybanez, kinuwento niyang nalaman daw niya na mahigpit talaga si Sotto sa Senate Decorum at Parliamentary Procedures.
“I once had a Senate Tour and it was mentioned to us na si Senator Sotto ay isa sa mga pinaka-strikto pagdating sa Senate Decorum & Parliamentary Procedures,” pagsisimula niya.
Ani Barcoma, umiyak pa nga raw noon si Sen. Loren Legarda dahil tinapos ng Senado ang sesyon nila noon sanhi ng lack of quorum bago pa man maihayag ng naturang senador ang usapin sa Dengvaxia.
“In fact, under his Senate Presidency, Senator Legarda cried because the Senate adjourned for lack of quorum before she [could] even read her sponsorship speech about the Dengvaxia issue,” aniya.
Dagdag pa niyam “Never din daw ito [Sotto] umabsent at laging on-time.”
Giit ni Barcoma, maaari daw na hindi niya sinuportahan si Sotto noon pero mabuti na rin daw na malamang may mga “lesser evil” pa sa Senado.
“I might’ve not supported him before because of his background before becoming a Senator but it’s nice to know we have few lesser evils within the halls of the institution,” saad niya.
“Sana mamulat na ang Pilipinas,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa kontra sa videoconferencing push ng mayorya, 'wag daw ikumpara kay De Lima
KAUGNAY NA BALITA: 'Our powers emanate from the public!' Sen. Erwin Tulfo, nahihiya raw sa mga Pilipino