May 22, 2026

Home BALITA National

'Tanda ng loka-loka!' Mon Tulfo, naniniwalang nambato ng laptop si VP Sara

'Tanda ng loka-loka!' Mon Tulfo, naniniwalang nambato ng laptop si VP Sara
Photo courtesy: Ramon Tulfo (FB)

Naniniwala raw ang beteranong radio broadcaster at kolumnista na si Ramon Tulfo na totoong nambato ng laptop sa ulo si Vice President Sara Duterte sa isa niyang abogado. 

Matatandaang nag-ugat ang isyung ito sa naging pahayag ng abogadong si Atty. Lorna Kapunan sa isang radio interview noong Martes, Mayo 5, 2026, at pinatutsada niyang tinamaan nga raw siguro sa ulo ng laptop ang spokesman at defense counsel ni VP Sara na si Atty. Michael Poa dahil sa inis ng Bise sa pag-usad ng impeachment case laban sa kaniya.

Sa kabila nito, mariin naman nang dumepensa si VP Sara noong Mayo 6, at pinabulaanan niya ang kumalat na intriga tungkol sa pambabato umano niya ng laptop kay Poa.

KAUGNAY NA BALITA: 'Baliw ako? Bobo ako?' VP Sara, pinabulaanan pagbato ng laptop kay Atty. Poa

Ngunit ayon naman sa naging pahayag ni Tulfo sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 8, sinabi niyang kapani-paniwala raw ang nauna nang kumalat na mga balita tungkol sa pambabato sa ulo ni VP Sara kay Poa.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Kapani-paniwala ang balita na nambato ng laptop computer si VP Sara sa kanyang subordinate na isang abogado,” pagsisimula niya. 

Patutsada pa niya, “In a fit of anger yun.” 

Sa post ni Tulfo, makikitang ibinahagi niya ang pangyayari nang suntukin ni VP Sara ang isang sheriff sa Davao City Regional Trial Court na si Abe Andres noong Hulyo 1, 2011. 

“Of course, natatandaan natin ang pambubugbog niya sa isang sheriff na tumutupad lang ng utos sa kanya ng korte na isagawa ang eviction ng mga squatters,” aniya. 

Screenshot mula sa FB post ni Mon Tulfo.

Pagpapatuloy niya, may violent streak daw si VP Sara at tanda iyon ng kaniya raw pagiging “loka-loka.”

“May violent streak si Sara, tanda ng kanyang pagiging loka-loka,” pagtatapos pa niya. 

Sa komento pa ni Tulfo sa sarili niyang post, kinuwestiyon niya kung may respeto pa ba raw sa sarili si Poa sa kabila ng pagtanggap niya na hiyain at tapunan ng “computer” ni VP Sara. 

“Wala na bang respeto sa sarili itong si Atty. Poa? Nagtapos ba siya ng abogasya at pumasa ng Bar para lang hiyain at tapunan ng computer?” saad ni Tulfo. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si VP Sara kaugnay sa nasaad na ito ni Tulfo. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Michael Poa, itinangging pinukol, binato ng laptop ni VP Sara!

KAUGNAY NA BALITA: Mon Tulfo kay VP Sara: 'Pag nahalal bilang Presidente, tatlo na bobo naging Pangulo!'