May 20, 2026

Home BALITA National

Atty. Michael Poa, itinangging pinukol, binato ng laptop ni VP Sara!

Atty. Michael Poa, itinangging pinukol, binato ng laptop ni VP Sara!
Photo courtesy: MB File Photo

Pinabulaanan ng legal counsel ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa ang mga kumakalat na tsismis na umano'y binato siya ng laptop ng kaniyang kliyente, dahil daw sa nararamdaman niyang frustration sa impeachment case laban sa kaniya.

Nagmula ito sa naging radio interview sa abogadong si Atty. Lorna Kapunan na umano'y sinasabi ng trolls na pinukol umano ng nabanggit na gadget ni VP Sara ang kaniyang legal counsel.

"Nagkakagulo na yung messaging nila sa defense team no? Sabi ni Atty. Poa in an interview we are ready to go to the Senate. But kahapon lang meron na syang IF we go to the Senate. Siguro tinamaan nga ng laptop yun sa ulo no?" saad ni Kapunan, na ibinahagi rin ng isa pang abogadong si Atty. Jesus Falcis.

Pero paliwanag ni Poa, sa isang tugon sa isang media company, wala raw itong katotohanan at fake news lamang. Hindi raw ito magagawa sa kaniya ng Bise Presidente at hindi pa raw nangyari.

Mariin na ring itinanggi ng Pangalawang Pangulo ang tungkol sa nabanggit na intriga.

National

Castro, kinudang si Bato lang nakinabang sa gulo sa Senado!

“Never in the history, sa aking trabaho, nagtapon ako ng aking laptop sa isang colleague o sa isang empleyado or sa isang abogado,” paliwanag niya, nang makapanayam siya habang nasa The Hague, Netherlands noong Miyerkules, Mayo 6.

Giit pa ni VP Sara, maikakategorya raw niya bilang "basurang tsismis" ang nabanggit na kumakalat na fake news, na gawa lamang aniya ng mga naninira sa kaniya.

“Basura siya na tsismis. Katulad ng sabi ko kahapon, ginagawa ng kalaban na misinformation o disinformation para guluhin ang kuwento at paboran ‘yong naratiba na gusto nilang ipalabas,” diin niya.

"Parang ano ba ang gusto nilang ipalabas na naratiba? Baliw ako? Bobo ako? Pro-China ako? Competent?” aniya pa.

Maki-Balita: 'Baliw ako? Bobo ako?' VP Sara, pinabulaanan pagbato ng laptop kay Atty. Poa