May 22, 2026

Home BALITA National

Rep. Cendaña, naghinala sa walang cash on hand at cash in bank na SALN ni VP Sara

Rep. Cendaña, naghinala sa walang cash on hand at cash in bank na SALN ni VP Sara
Photo courtesy: HOR, File Photo

Tila naghinala si Akbayan Partylist Rep. Percival “Perci” Cendaña sa isinapubliko ng Office of the Ombudsman tungkol sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte mula 2019 hanggang 2024. 

Base kasi ibinahaging dokumento ng Ombudsman sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Miyerkules, Abril 22, 2026, makikitang nakasaad na “None” sa bahagi ng cash on hand/bank sa SALN ni VP Sara sa nasabing pagitan ng mga taon. 

Makikita rin sa talaan ang paglago ng idineklarang net worth ni VP Sara mula 2007 hanggang 2024.

KAUGNAY NA BALITA: SALN ni VP Sara, inilantad; 2019-2024 walang cash on hand, bank deposits!

Bukod pa rito, kinumpirma naman ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa nasabing pagdinig na may kabuuang mahigit 630 covered transaction reports (CTRs) at 33 suspicious transaction reports (STRs) na may kaugnayan umano kay VP Sara at sa kaniyang mister na si Manases Carpio.Batay raw sa mga ulat ng bangko, umabot umano sa ₱6,771,227,712.95 ang kabuuang halaga ng covered at suspicious bank transactions na nakapangalan umano o may kaugnayan sa mag-asawa.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: Higit ₱6B-covered at suspicious transactions ni VP Sara, mister kumpirmado!—AMLC

Matapos nito, nagbigay ng komento ni Cendaña sa ibinunyag ng mga nasabing ahensya at sinabi niyang “very glaring” daw ang ilang taon na walang cash on hand at cash in bank si VP Sara mula 2019 hanggang 2024. 

“Very glaring po ‘yong ilang taon na walang na cash on hand at cash in bank ang Bise Presidente,” pagsisimula niya. 

Ani Cendaña, dapat noon pa raw nilapag ni VP Sara ang totoong laman ng bank account nito kung walang itong tinatago.

“Kung walang sikreto si VP Sara, sana nag-sign na siya dati pa ng waiver. Kung wala siyang kinakatakutan ay ‘di sana nilapag na niya ang totoong laman ng bank account niya,” aniya. 

Buwelta pa ng mambabatas, tila hindi raw niya maisip ang paraan kung paano dumaan ang suweldo ni VP Sara nang hindi ito nagkakaroon ng record sa banko at wala itong maituturing na cash in hand, batay sa nakatala sa SALN nito. 

“Kung totoong kumakain lang sa karinderya ang tatay niya at government salary lang ang natatanggap nila, iniisip ko nga po, paano nai-in cash ‘yong cheke, ‘yong suweldo niya, saan dumadaan kung wala siyang cash in bank at saka po wala siyang cash in hand,” saad niya. 

Pagpapatuloy ni Cendaña, wala raw sanang kaba na haharap si VP Sara sa House Committee on Justice kung wala itong tinatago. 

“Kung wala po silang tinatago, e di sana wala silang kaba na haharap sa Komiteng ito. Hindi tayo parang tumatawag ng spirit of the glass everytime na isu-summon ang Vice President to repute the evidence,” ‘ika niya. 

Tila umaasa umano si Cendaña na masagot ng AMLC ang mga matagal nang katanungan ng publiko at makapagbigay ng liwanag sa mahalagang usapin ng impeachment. 

“Sa pagpresinta po ang AMLC, ang tanong po ng maraming bayan, sana masagot na ang maraming matagal nang mga press in questions. And I hope that the AMLC will be able to shed light on these very important issues,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Na-ghost na nga, ginaslight pa!' Luistro, binanatan si VP Sara