Tsinika ng aktres na si Agot Isidro ang naging pagsuporta niya sa pagtuntong ng P-pop sensation girl group na BINI sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026.
Matatandaang unang beses na nagtanghal ang BINI sa entablado ng Coachella noong Biyernes, Abril 10, 2026, at mainit na sinuportahan ng maraming Pilipino ang makasaysayang ganap na ito.
KAUGNAY BALITA: Ano ang Coachella at bakit big deal ito sa music industry?
Ayon naman sa inupload na video ng ABS-CBN News sa panayam nila kay Agot nitong Huwebes, Abril 16, sinabi ng aktres na na-obsess daw siya sa BINI nang nabalitaan niyang sumampa na ang mga miyembro nito sa stage ng Coachella.
“Sobrang na-ano ako sa BINI, medyo obsessed sa BINI. Oo, nanood ako. Maaga akong gumising. Ganoon kasi kapag tumatanda na. Totoo ‘yan,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Noong nakita ko… sinabi niyang ‘Hoy, BINI.’ Coachella, YouTube. Nakakatuwa sila.”
Ani Agot, masaya raw siyang natatanggap ng BINI ang papuri na karapat-dapat para sa mga talento nila dahil magagaling daw talagang kumanta ang mga miyembro ng nasabing grupo, kagaya na rin ng kakayahan ng maraming Pilipino.
“I’m happy that they are getting the recognition that they deserve. Because Filipinos, they’re known for singing talaga,” aniya.
Paghahalimbawa pa ni Agot, kagaya raw ng naging pagputok ng pangalan ng ilang mga Filipino singer sa buong mundo.
“As in, nagiging viral ‘yong mga singers natin. Kahit hindi mga kilala, kahit ‘yong sa Got Talent… golden buzzer,” saad niya.
Pagpapatuloy niya, napapanahon na raw para matanggap ng BINI ang papuring angkop sa talento nila.
KAUGNAY NA BALITA: Dating ligwak na contestant sa Idol Philippines, golden buzzer sa Britain's Got Talent
“Sa akin, talagang it’s about time to get recognized for what we are really so good at,” pagtatapos niya.
Samantala, nakatakda naman muling sumampa sa stage ng Coachella ang BINI sa paparating na Biyernes, Abril 17, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: ‘This milestone is well-deserved!’ BINI Sheena at Stacey, SHS graduates na
KAUGNAY NA BALITA: BINI Aiah sa pagtuntong sa Coachella: 'Our younger selves are so happy!'