April 22, 2026

Home BALITA National

Ramil Madriaga, pinayagang makadalo sa House Committee on Justice

Ramil Madriaga, pinayagang makadalo sa House Committee on Justice
Photo courtesy: File Photo

Pinayagan na ng Manila Regional Trial Court na makadalo ang nagpakilala noong “bagman” at “aide” ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice. 

Kaugnay ito sa mga kinakaharap na impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte na nakatakdang muling ipagpatuloy sa Abril 14, 2026. 

Matatandaang pormal na hiniling ng House Committee on Justice sa ipinadala nilang liham noong Marso 31, 2026, at natanggap ng Manila RTC noong Martes, Abril 7, 2026, na payagang makadalo si Madriaga sa nasabing pagdinig. 

Anang Komite, mahalagang susing personalidad si Madriaga kaya nila ito iniimbitahan.

KAUGNAY NA BALITA: Justice Committee, hiniling na padaluhin si Ramil Madriaga sa Abril 14!

National

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!

Ayon naman sa naging tugon sa House Committee on Justice ng Manila RTC at ibinahagi sa publiko ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon nitong Miyerkules, Abril 8, 2026, pinayagan ng hukuman na makadalo si Madriaga sa naturang pagdinig na gaganapin sa 2nd Floor ng People Center, House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. 

Sasamahan si Madriaga ng mga jail escorts upang makapunta sa nasabing lugar. 

“Accordingly, accused Ramil Madriaga y Lagonoy is hereby allowed to appear before the Committee on Justice located at the 2nd Floor of the People Center, House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City April 14, 2026 from 8:00 a.m. to 5:00 p.m. with proper jail escorts,” anila. 

Anang Manila RTC, may limang araw lang ang Jail Warden ng MMDJ Annex 2, piitan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakalokasyon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City na kasalukuyang kinaroroonan ni Madriaga, upang magbigay ng ulat sa kanila. 

“The Jail Warden of MMDJ Annex 2 is directed to make a report within five (5) days from compliance therewith,” pagtatapos pa nila. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang pahayag o reaksyon ang kampo ni VP Sara kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni VP Sara, kinumpirma paghahain ng Petition for Certiorari and Prohibition sa SC!

KAUGNAY NA BALITA: De Lima bumwelta sa kampo ni VP Sara: 'Akala siguro nila 'yong SC ay 'Sara's Court''