March 27, 2026

Home BALITA

Expanded number coding scheme, suspendido mula Abril 1-3

Expanded number coding scheme, suspendido mula Abril 1-3
Photo courtesy: MB


Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang ipagpapaliban ang expanded number coding scheme simula Abril 1 hanggang 3.

Papatak ang mga nasabing petsa sa paggunita ng Miyerkules Santo, Huwebes Santo, at Biyernes Santo.

Base sa ulat ng MMDA, suspendido sa buong araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo ang coding scheme, samantalang epektibo naman simula 12:00 ng tanghali ang coding para sa Miyerkules Santo.

“Planuhin ang biyahe at mag-ingat sa pagmamaneho,” saad ng MMDA sa kanilang anunsyo.

“Hangad ng MMDA na maging mapayapa at makabuluhan ang inyong paggunita ng Lenten season,” dagdag pa nila.

Photo courtesy: MMDA/FB

Sa kaugnay na balita, sinuspinde na rin ng ahensya ang truck ban at coding scheme para naman sa mga oil tankers at iba pang transportasyong naghahatid ng prime commodities at basic necessities sa iba’t ibang parte ng bansa.

KAUGNAY NA BALITA: Oil tankers, mga sasakyang naghahatid ng basic commodities exempted sa truck ban at coding—MMDA-Balita

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Prime commodities, basic necessities na sakop ng exemption ng truck ban, coding-Balita