Sumakabilang-buhay na ang martial artist at action star na si Chuck Norris sa edad na 86.
Sa Facebook account ni Chuck nitong Biyernes, Marso 20, inanunsiyo ng kaniyang pamilya ang tungkol sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.
“It is with heavy hearts that our family shares the sudden passing of our beloved Chuck Norris yesterday morning,” saad sa post.
Dagdag pa rito, “While we would like to keep the circumstances private, please know that he was surrounded by his family and was at peace.”
Ayon sa pamilya ni Chuck, bagama’t durog ang puso nila sa nangyari, nagpapasalamat umano sila sa naging buhay nito at sa mga sandaling pinagsaluhan nila.
“The love and support he received from fans around the world meant so much to him, and our family is truly thankful for it. To him, you were not just fans, you were his friends,” dugtong pa sa post.
Matatandaang bago ang pagpanaw ni Chuck, naiulat na sinugod siya sa ospital sa Hawaii dahil sa umano’ medical emergency.