Nagpakawala ng tirada ang political pundit at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas laban kay Sen. Robin Padilla.
Ito ay matapos ihayag ni Padilla ang pagiging bukas niya sa posibilidad na tumakbong Bise Presidente sa 2028 elections kung ipag-uutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Maki-Balita: 'Basta inutos ni Digong, susunod ako!' Sen. Robin, raratsada sa pagka-VP sa 2028?
“‘Yong gusto mo maging Vice President hindi dahil nais mo maglingkod, pero uutusan ka ng preso sa ICC. He only confirmed accusations na wala siyang sariling utak,” saad ni Llamas.
Matatandaang isa si Padilla sa mga napipisil na running mate ni Vice President Sara Duterte sa 2028 matapos nitong ianunsiyo ang pagtakbo niyang Pangulo.
Kaugnay na Balita: Atty. Jimmy Bondoc, bet ding maging ka-tandem ni VP Sara si Sen. Robin
Bukod sa kaniya, nakikini-kinita rin ang pagtatambal ni VP Sara at ng presidential sister na si Sen. Imee Marcos.
Kaugnay na Balita: Sen. Robin, bet ang tambalang Sara-Imee sa 2028
Ngunit sa kasalukuyan, wala pa namang idinedeklarang running mate ang Bise Presidente.