Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng 22 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na taas sa singil sa kuryente ngayong Pebrero.
Sa abiso ng Meralco nitong Martes, Pebrero 10, nabatid na magpapatupad sila ng P0.22/kwh bunsod ng mas mataas na transmission at universal charges.
Bunsod ng naturang dagdag-singil, ang overall rate para sa isang typical household ay tataas ng P13.1734/kWh ngayong buwan mula sa dating P12.9508/kWh sa Enero.
Nangangahulugan anila ito na ang mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan ay magkakaroon ng P45 dagdag sa kanilang buwanang bayarin at P67 naman para sa nakakagamit ng 300 kwh kada buwan.
May dagdag bayarin naman na P89 ang mga tahananang nakakagamit ng 400 kwh kada buwan at P111 para sa nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.