February 07, 2026

Home BALITA

Lalaking ililipat sa Camp Crame, patay sa sagasa ng bus matapos magtangkang tumakas

Lalaking ililipat sa Camp Crame, patay sa sagasa ng bus matapos magtangkang tumakas

Patay ang isang lalaki na dadalhin sana ng mga awtoridad sa Camp Crame matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa Domestic Road, Pasay City.

Ayon sa mga operatiba ng Highway Patrol Group (HPG), nakatakda sanang i-turnover ang lalaki nang bigla umano itong tumakbo at nagtangkang tumakas kahit nakaposas.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na may warrant of arrest ang nasabing indibidwal na inilabas ng Regional Trial Court Branch 16 ng Zamboanga City.

Sa gitna ng pagtakas, dumaan ang isang pampasaherong bus at nasagasaan ang lalaki na agad nitong ikinamatay.

Internasyonal

Driving company Waymo, gisado matapos matiklong may empleyadong Noypi

Kasalukuyan nang kumakalap ng CCTV footage ang Pasay City Traffic Bureau mula sa isang airline company upang matukoy ang buong detalye at eksaktong nangyari sa insidente.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.