Sinariwa ng TV host, aktres, at singer na si Karla Estrada ang alaala kung paano hinarap ng pamilya nila ang breakup ng anak niyang si Daniel Padilla sa jowa nito noon na si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.
Sa isang episode ng Bisaya-language talk show ni Melai Cantiveros na "Kuan On Juan" kamakailan, sinabi ni Karla na hinarap nila nang mapagkumbaba at may pagtanggap ang nangyari sa relasyon ng dalawa.
"Pagpapakumbaba and pagtanggap, acceptance. That's why I think they handled it well," saad ni Karla.
Dagdag pa niya, "He called me and told me what happened. I'm the first person he told about it. I said these things really happen. Tayo lalabas tayo na with humility, acceptance and, of course, kailangan natin ng silence.”
Ayon kay Karla, mas pinili umano nilang hindi pag-usapan ang isyu para hindi na lumaki pa. Pagpapakita rin umano ito ng paggalang kay Kathryn at sa pamilya nito.
“At the end of the day it's about him and Kathryn," dugtong pa niya.
Matatandaang Nobyembre 2023 nang kumpirmahin nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng social media post.
Kaugnay na Balita: Kathryn, Daniel, hiwalay na
Sa kasalukuyan, pareho nang may bagong nali-link sa dalawa. Nauugnay si Kathryn kay Lucena City Mayor Mark Alcala habang si Daniel naman ay sa dating “Incognito” co-star nitong si Kaila Estrada.
Kaugnay na Balita: Umakbay pa nga! Kaila, Daniel magkasamang nanood ng concert?
Kaugnay na Balita: ‘Parang soft launch na ito!’ Mayor Mark Alcala, huli sa video ni Kathryn Bernardo?