Umuugong muli ang balitang magbabalik ang comedy talk show ni Unkabogable Star Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” (GGV).
Ito'y matapos siyang mag-guest speaker sa ginanap na 27th Inkblots ng pamantasan. Ito ay tatlong araw na pagsasanay kaugnay sa batayang kaalaman sa pamamahayag.
Nagsimula ang Inkblots noong 1999 sa ilalim ni noo’y Varsitarian editor-in-chief Christian Esguerra na host ngayon ng sarili niyang podcast na “Facts First with Christian Esguerra.”
Sa X post ng The Varsitarian noong Martes, Enero 13, naiulat na ipinahiwatig umano ni Vice ang pagbabalik ng nasabing programa.
“Vice Ganda teases the return of Gandang Gabi Vice,” saad ng opisyal na student publication ng University of Santo Tomas (UST).
Pero sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na ibang detalye ang The Varsitarian kaugnay dito.
Samantala, matatandaang minsan na ring pinag-usapan ang napipintong pag-ere muli ng GGV noong 2023. Kung sakali nga raw na matuloy, si Britney Spears ang gusto niyang i-guest.
Maki-Balita: Britney Spears, gustong i-guest ni Vice Ganda sa 'GGV'