January 24, 2026

Home BALITA

'When injustice, impunity, corruption, and greed persist:' De Lima may hiling sa mga bagong abogado ng bayan

'When injustice, impunity, corruption, and greed persist:' De Lima may hiling sa mga bagong abogado ng bayan
Photo courtesy: Leila de Lima/FB, Supreme Court PH/FB


Ipinaabot ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila De Lima ang kaniyang pagbati sa mga pumasa sa 2025 Bar Examinations.

“Congratulations to all the 2025 Bar Exam Passers!” panimula ni De Lima sa ibinahagi niyang social media post nitong Miyerkules, Enero 7.

Saad pa niya, “Your success today is a powerful tool in fulfilling a larger calling—upholding a principled legal profession and a just society.”

Inilahad rin ng mambabatas ang kaniyang kahilingan sa mga bagong abogado ng bansa.

“Ngayong tangan na ninyo ang tagumpay na ito na pinaghirapan at pinagsikapan ninyong abutin: Maging abogado sana kayo hindi lamang sa pangalan o titulo, kundi pati sa prinsipyo, malasakit, at pakikipagkapwa-tao,” aniya.

“In these times when injustice, impunity, corruption, and greed persist, be trailblazers of integrity, accountability, courage, and compassion. To our new lawyers, Godspeed!” pagtatapos niya.

Nauna nang inilabas ng Korte Suprema nitong Miyerkules, Enero 7, ang listahan ng mga nagsipagpasa at Top 20 examinees ng 2025 Bar Examinations. 

KAUGNAY NA BALITA: Top 20 examinees ng 2025 Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema!-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA