Tinuldukan na ni Sectary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla ang balita-balitang sinugod umano ang utol niyang si Ombudsman Boying Remulla sa ospital.
Sa ulat ng GMA News nitong Biyernes, Enero 2, sinabi umano Jonvic na wala umanong katotohanan ang nasabing balita tungkol sa kapatid niya.
Sa katunayan, nagawa pa nga umano nitong maglaro ng golf.
Samantala, ganito rin halos ang pahayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano hinggil dito.
"Fake news,” aniya. “He had a hearty Sinigang this morning for breakfast.”
Matatandaang hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may heart condition si Boying. Ngunit nilinaw niya noon pa man na nalampasan na niya ito at mahigit isang taon na rin siyang malaya mula sa cancer.