January 26, 2026

Home BALITA

PBBM, sumadsad sa -3 sa trust ratings; VP Sara, namayagpag!

PBBM, sumadsad sa -3 sa trust ratings; VP Sara, namayagpag!
Photo Courtesy: via MB

Nalamangan ni Vice President Sara Duterte ang net trust rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong Nobyembre 2025 batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa Fourth Quarter 2025 SWS Survey na isinagawa mula Nobyembre 24 hanggang 30 nakakuha si Pangulong Marcos, Jr. ng 38% much trust, 28% undecided, at 41% little trust na nagresulta ng net score na -3, mababa mula sa +7 noong Setyembre 2025 at +18 noong Hunyo 2025. 

Samantala, si VP Sara ay nakakuha ng 56% na much trust, 17% undecided, at 26% little trust na nagresulta ng net score na +31, bagama't mas mababa ito kumpara sa +38 rating niya noong Hunyo.

“Given a sponsor-authorized release of commissioned survey items, SWS is disclosing pertinent survey results and technical details for the benefit of the public,” anang SWS.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Inisponsoran ng Stratbase Consultancy ang naturang survey.