Wala sa schedule ni Vice President Sara Duterte ang pagdalo sa kilos-protestang ikakasa ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Sa panayam ng media kay VP Sara nitong Biyernes, Nobyembre 14, sinabi niyang bagama’t hindi siya sisipot sa nasabing rally, nananawagan siya sa gobyerno na igalang ang karapatan ng mga ito na makapagpahayag.
"Sa lahat ng mga rallies, wala akong schedule dito sa Pilipinas. ang mga rallies na ginagawa namin ay laging nasa overseas. Pero I commit and I call on the administration to respect the right of the people's freedom of speech and expression,” saad ni VP Sara.
Dagdag pa niya, “'Wag masyado silang [gobyerno] maging balat-sibuyas.”
Matatandaang layunin ng protestang ito na isulong ang “transparency” at pananagutan pagdating sa mga usaping panlipunan.
Maki-Balita: Atty. Falcis sa ikakasang kilos-protesta ng INC: ‘Uy confirmed si tweety bird, November 15-18 ang Peace Rally’
Samantala, nagpaalala naman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga magulang na huwag pasasamahin ang kanilang mga anak sa mga “geng-geng” at “gangsta” na lalahok sa rally ng INC.
Maki-Balita: DILG sa mga magulang: Huwag pasamahin mga anak sa mga ‘Geng-Geng,’ ‘gangsta’ na lalahok sa INC protest