Ibinunyag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Kalookan Bishop Cardinal Pablo “Ambo” Virgilio David na nilapitan siya ng ilang politiko upang humingi ng espiritwal at moral na gabay.
Sa latest episode ng “KC After Hours” nitong Sabado, Oktu bre 8, sinabi ni Cardinal Ambo na naniniwala umano ang ilang politikong lumapit sa kaniya na walang mali sa politics of patronage.
Aniya, “Nagulat ako na in some instances, some of them don’t see anything wrong about the politics of patronage. Kung minsan, naja-justify nila. Ibibigay naman ito sa mahihirap o sa mga constituents nila. Then some of it lands in their pockets.”
“There is something really systemic about our problem, e. Namayagpag talaga ang politics of patronage. And of course, political dynasties. Magkasama ‘yan, e. Magkarugtong ‘yan,” dugtong pa ni Cardinal Ambo.
Kaya naman pinayuhan niya ang mga politikong lumapit sa kaniya na aminin ang kanilang ginawang kasalanan.
“We have to be truthful, 'no. Aminin natin [...] if you want a liberation of conscience. Kasi 'yong mga nakikita ko rito sa mga nami-meet ko, e. 'Yong burden of conscience,” anang Cardinal.
Matatandaang bilang pangulo ng CBCP, nangunguna si Cardinal Ambo na manawagan sa mga opisyal na kilingan ang integridad, partikular sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.
Maki-Balita: CBCP, umapela sa mga opisyal na katigan ang integridad sa imbestigasyon ng flood control projects