December 14, 2025

Home BALITA

Cardinal Ambo, hinahayaan ang sariling magalit: 'I call it divine indignation'

Cardinal Ambo, hinahayaan ang sariling magalit: 'I call it divine indignation'
Photo Courtesy: via MB

Pinatunayan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Kalookan Bishop Cardinal Pablo “Ambo” Virgilio David na maaari ding maglit ang mga alagad ng simbahang tulad niya.

Sa latest episode ng “KC After Hours” nitong Sabado, Oktubre 18, sinabi ni Cardinal Ambo na hinahayaan din daw niya ang sariling makaramdam ng galit.

“I call it divine indignation. Parang galit ng Diyos. At ‘yong galit ng Diyos na ‘yon, you sort of pick it up spiritually in prayer, e,” saad ni Cardinal Ambo.

Dagdag pa niya, “When you listen to the signs of the times, when you reflect on what people are going through, and allow it to get into your system.”

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Ayon kay Cardinal Ambo, ang two prongs ng salita ng Diyos ay usigin ang mga nasa komportableng posisyon at paginhawahin ang mga mahihirap na kalagayan.

“Comfort the afflicted, and afflict the comfortable. Ito ‘yong two prongs ng word of God, e. It’s not really pietism,” anang Cardinal.

Bukod sa simbahan, kilala rin si Cardinal Ambo sa paglilingkod niya sa bayan.

Bilang pangulo ng CBCP, nangunguna siyang manawagan sa mga opisyal na kilingan ang integridad, partikular sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: CBCP, umapela sa mga opisyal na katigan ang integridad sa imbestigasyon ng flood control projects