January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Kathryn Bernardo, ginawaran bilang 'Most Influential Celebrity of the Year'

Kathryn Bernardo, ginawaran bilang 'Most Influential Celebrity of the Year'
Photo Courtesy: Star Magic (IG)

Ginawaran si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo ng titulong “Most Influential Celebrity of the Year” sa ginanap na 11th Edukcircle Awards.

Ang Edukcircle Awards ay nagsimula itatag noong 2011 at mula noon ay taon-taong nagbibigay ng parangal upang kilalanin ang mahuhusay na ambag ng mga personalidad sa pelikula, telebisyon at pelikula. 

Sa latest Instagram post ng Star Magic noong Sabado, Oktubre 11, nagpaabot sila ng pagbati para kay Kathryn.

Anila, “A super win for the Asia’s Superstar!

Mister ni Small Laude, itinanggi pagkakadawit sa mga ilegal na gawain

“Here’s to earning the title of the ‘Most Influential Celebrity of the Year’ at the11th Edukcircle Awards,” dugtong pa ng Star Magic.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nakatanggap din si Kathryn ng parangal sa ginanap na 2024 Asian World Film Festival (AWFF) bilang isa sa “most bankable and beloved performers” ng Pilipinas.