December 13, 2025

Home BALITA National

PBBM, tinanggap resignation ni DPWH Sec. Bonoan

PBBM, tinanggap resignation ni DPWH Sec. Bonoan
Photo Courtesy: via MB

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang pagbibitiw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan na magiging epektibo sa Lunes, Setyembre 1.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Dave Gomez, papalitan si Bonoan ni Department of Transporation (DOTr) Sec. Vince Dizon.

“Secretary Dizon has been tasked to conduct a full organizational sweep of the Department and ensure that public funds are used solely for infrastructure that truly protects and benefits the Filipino people,” saad sa pahayag.

Nagtatag naman ang pangulo ng isang independent comission na magsasagawa ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Samantala, si DOTr Usec. Giovanni Z. Lopez ang magsisilbing acting secretary sa ahensyag lilisanin ni Dizon.

Matatandaang kamakailan lang ay nanindigan pa si Bonoan na wala siyang balak magbitiw bilang kalihim ng DPWH.

Aniya, "Mayroon ngang nananawagan sa akin, na ako po raw ay mag-leave o kaya mag-resign, dahil po sa isyung ito. 'Yan po sana ang madaling gawin, mag-resign o talikuran ko ang problema pero hindi po ang pag-alis o pag-iwas ng responsibilidad ang tamang paraan ng paghahanap ng solusyon.” 

Maki-Balita: Bonoan, walang balak mag-resign; 'di raw tatakbuhan 'accountability'