December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert
Photo courtesy: Screenshot from TikTok/via Balita

Inulan ng kritisismo mula sa netizens, lalo na ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, si Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa mga naging hirit niya sa dating pangulo, sa pamamagitan ng isang stint sa "Super Diva" concert nila ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Sa isang parody gamit ang sikat na background music sa TikTok na "Jet2 Holiday," tila binanatan ni Vice ang kontrobersyal na “Jet Ski promise” ni Duterte noon patungkol sa West Philippine Sea.

Binanggit din niya ang "The Hague" at "ICC" at nagwakas pa sa isang paggaya sa dating Pangulo sa pamamagitan ng malutong na pagmumura niya, na labis na ikinatawa at ikinapalakpak ng live audience.

Subalit hindi lahat ay natuwa sa ginawa ni Vice, lalo na ang mga tagasuporta ng dating pangulo.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Anila, hindi raw dapat ginagawang katatawanan ang dating pangulo, lalo na at nasa "lowest point" siya ngayon ng kaniyang buhay.

Kasalukuyan pa ring nakakulong sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) ang dating pangulo dahil sa kasong "crimes against humanity."

Ang ICC ay nasa The Hague, Netherlands. 

May mga nagsabi pang sana raw ay "karmahin" si Vice dahil dito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"3rd Law of Motion says: 'In every action there is an equal and opposite reaction.' What goes around comes around. Wait ka lang Vice for your turn."

"2028 table's turn."

"Tatanda ka rin, Vice Ganda. Tables turn."

"Eating popcorn and waiting for something big."

"darating din araw... tayu nmn babawi sa kanya.. horse gets old...."

"Bitch. May araw rin yan. Non-negotiable yan for us dds! Not now while we still can't bring PRRD back. Hirap talaga maging asal low life. Naaawa ako sa mga ka-kabayo niya, they don't deserve him.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ng mga Duterte tungkol dito.