December 14, 2025

Home BALITA

Habagat, pauulanin ang ilang bahagi ng bansa

Habagat, pauulanin ang ilang bahagi ng bansa
DOST-PAGASA

Patuloy na magdadala ng pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Agosto 9. 

Ayon sa PAGASA, magdadala na maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visaya, Bicol Region, at Quezon Province. 

Habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na panahon at hiwa-hiwalay na pagbuhos ng ulan na may kasamang pagkidlat. 

SEVERE TROPICAL STORM "PODUL"

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Bagama't wala pang direktang epekto, itinaas na sa severe tropical storm ang tropical storm na may international name na "Podul," na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

As of 11:00 a.m., huling namataan ang bagyo sa 2,155 kilometers East of Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour (kph), pagbugsong 115 kph, at central pressure na 995 hPa. 

Mabagal ang paggalaw nito pa-west northwestward. At posibleng pumasok sa PAR sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Kapag pumasok na ang bagyo sa PAR, papangalanan itong "Gorio," ang ikalawang bagyo ngayong buwan ng Agosto, at ika-7 bagyo na pumasok sa bansa.