Bukod sa itinanghal na Grand Winner ng "Pilipinas Got Talent Season 7," panalong-panalo si Ricardo Cadavero o mas kilala bilang "Cardong Trumpo" matapos maka-bonding si Asia's Outstanding Star at PGT judge na si Kathryn Bernardo.
Ibinahagi ni Kathryn ang pagsama niya kay Cardong Trumpo kasama ang pamilya nito sa isang supermarket at pinag-grocery siya.
Bukod dito, nakasalo pa ng pamilya ni Cardo si Kath kasama ang kaniyang Mommy Min Bernardo.
"It was a good day— like REALLYY GOOD," mababasa sa caption ng Instagram post ni Kath.
Komento naman dito ni PGT host Melai Cantiveros, "Aww Tatay Cardoooo"
Pinusuan din ito ng kapwa PGT judge ni Kathryn na si Eugene Domingo.