January 04, 2026

Home BALITA Eleksyon

Kerwin Espinosa, binaril habang nangangampanya sa Leyte

Kerwin Espinosa, binaril habang nangangampanya sa Leyte
Kerwin Espinosa (MB file photo)

Binaril ang self-confessed drug lord at Albuera, Leyte, mayoral aspirant na si Rolan "Kerwin" Espinosa habang nangangampanya nitong Huwebes, Abril 10, ayon sa Philippine National Police (PNP) Leyte.

Ayon sa ulat, binaril si Espinosa dakong 4:30 ng hapon habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an.

Agad daw siyang dinala sa ospital ngunit hindi pa malinaw kung ano ang kaniyang kasalukuyang kondisyon.

**Ito ay isang developing story.

Eleksyon

Comelec: Mahigit 900K botante rehistrado na para sa BSKE 2026