March 12, 2025

Home SHOWBIZ

John Lapus, ipinagdarasal na makulong si Duterte

John Lapus, ipinagdarasal na makulong si Duterte
Photo Courtesy: John Lapus (IG), Screenshot from House of Representatives (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang komedyante, TV host, at direktor na si John Lapus matapos maiulat ang pagdakip ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa X post ni John noong Martes, Marso 11, ni-reshare niya ang ulat ng isang lokal na pahayagan kung saan umaapela si Senador Bong Go na ipanalangin ang dating pangulo.

Pero sabi ni John, “I pray na makulong.”

Tila marami naman ang sumang-ayon kay John sa comment section. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

Tsika at Intriga

Rosmar kay FPRRD: 'Malakas lang siya tingnan kasi matapang... pero lolo na siya!'

"i pray na mkulong at mabulok ( khit mukha ng bulok) sa kulungan.."

"True ka jan, mother!!!"

"I am with you with this! Praying harder for this than my own desires."

"Wish granted Bong Go! Pinagdasal ko na.... sana deretso na sa Hague. Tapos sana may susunod na. Para  kumpleto sila."

"Yes. We are praying na makulong na ang mga dapat makulong."

"Sana may kasama pang iba."

"Sana pati si Go at Bato!"

Ang warrant of arrest warrant na sinilbi sa dating pangulo ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng kontrobersiyal na giyera kontra droga sa panahon ng kaniyang panunungkulan.

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Batay sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP), 20,322 drug suspects umano ang napatay sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang