Kinumpirma ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy, nitong Huwebes, Marso 6.
Ayon kay Castro, tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibitiw ng kalihim.
Dagdag pa niya, magkakaroon ng officer-in-charge para punan ang posisyon.
"An OIC will fill the position until the President appoints a secretary," aniya.
Samantala, hindi nabanggit ng Palace official kung ano ang rason ng pagbibitiw ni Uy.