February 24, 2025

Home BALITA National

PBBM, nalulungkot sa malubhang kalagayan ni Pope Francis

PBBM, nalulungkot sa malubhang kalagayan ni Pope Francis
(Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/X)

“Nawa’y patuloy siyang patnubayan at palakasin ng Panginoon…”

Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang pagkalungkot nang marinig daw niya ang tungkol sa malubhang kalagayan ni Pope Francis.

Sa isang X post nitong Lunes, Pebrero 24, sinabi ni Marcos na kaisa ang mga Pilipino ng buong mundo sa pag-aalay ng dasal para sa paggaling ng 88-anyos na pope.

“Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni Pope Francis. Sa mga sandaling ito, kaisa tayo ng buong mundo sa panalangin para sa kanyang kalakasan at paggaling,” anang pangulo.

National

Taga-Cebu City, wagi sa SuperLotto 6/49 ng PCSO

“Nawa’y patuloy siyang patnubayan at palakasin ng Panginoon upang magpatuloy sa kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan,” dagdag niya.

Ayon sa ulat ng Vatican nitong Linggo, Pebrero 23, nananatili pa ring kritikal ang kondisyon ni Pope Francis.

Matatandaang noong Pebrero 14 nang maospital ang Santo Papa dahil sa sakit na bronchitis, ngunit na-develop daw ito at naging double pneumonia.

BASAHIN: Pope Francis, nananatiling kritikal ang kondisyon—Vatican