February 22, 2025

Home BALITA National

‘Hindi lang DDS vloggers!’ Sen. Bato pinaiimbestigahan din sa Tri-Comm ‘pro-admin’ vloggers

‘Hindi lang DDS vloggers!’ Sen. Bato pinaiimbestigahan din sa Tri-Comm ‘pro-admin’ vloggers
Courtesy: Sen. Bato del Rosa/FB

Iginiit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na dapat umanong imbestigahan din ng Tri-Committee (Tri-Comm) ng House of Representatives ang mga vlogger na pro-administration, at hindi lamang ang mga tinawag niyang kritikal sa administrasyon o mga vlogger na Diehard Duterte Supporters (DDS).

Sa isang panayam nitong Huwebes, Pebrero 20, na inulat ng Manila Bulletin, binigyang-diin ni Dela Rosa na kung nais daw ng Tri-Comm na labanan ang fake news, dapat daw na imbestigahan ng mga ito ang lahat ng vlogger.

“Kung interesado talaga sila na bibigyan ng solusyon yung sinasabi nilang fake news or what, kung ano talaga ‘yung objective ng kanilang investigation, kung ito’y hindi panggigipit sa mga vloggers na kritikal to the administration ay dapat imbitahan nila lahat-lahat pati na ‘yung mga vloggers na favoring the administration,” ani Dela Rosa.

“Lahat dapat fair. Hindi lang DDS. They don’t have to single out the DDS vloggers. Lahat dapat eh imbitahan nila para magkaalaman kung talagang ito’y in aid of legislation.”Ayon pa sa reelectionist sa ilalim ng Duterte-wing party na PDP-Laban, kung “in aid of legislation” umano ang imbestigasyon ng Tri-Comm para masolusyunan ang pagkalat ng fake news, dapat daw na gawin nila itong “patas.” 

National

Rep. Mannix Dalipe, inalmahan ‘fake news’ na hiniling ng Ombudsman na suspendihin siya

“Pero kung maka-zero in lang sila sa mga Duterte vloggers, mga DDS vloggers then halatang that would be investigation in aid of persecution of the DDS vloggers,” saad pa ni Dela Rosa.

Matatandaang noong Martes, Pebrero 18, naglabas ng subpoena ang Tri-Comm sa mga social media personality na tinawag nilang “pro-Dutertes” matapos nilang hindi dumalo sa pagdinig kahit nakatanggap daw ng “show cause orders.”