Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 2:47 ng hapon nitong Lunes, Pebrero 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 51 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.